Dirk Izunia Salvatorie POV
Tahimik lang ako habang nakaluhod ang isang tuhod at nakatukod naman ang siko ko sa kaliwang tuhod ko na nakatupi ngayon. Inaantay ko nalang ang huling pasya ng mga nakakatandang pinuno na nasa harapan ko ngayon.
"Alam namin na kung maaari lang ay hindi kana muli pang aapak sa mundong ito, Dirk." Si Ruqon.
Ito ang pinaka matanda sa tatlong elders na siyang may hawak din ng susi patungo kay Novalia na diyosang taga protekta ng aming mundo na siyang nag babantay naman sa gate patungong Dismaes at Dimirius.
"Dangan nga lamang na napilit ka naming gawin ang mga ginagawa mo ngayon dahil hawak namin ang buhay ng ina mong si Diana." Si Pylic na ikalawa sa tatlong elders.
Sukat sa sinabi nitong yun ay dumilat ako para matalim na titigan ang mga ito sa mata.
"Tama na." Si Fazia na ikatlo sa tatlong elders. "Huwag kang mag-alala, Dirk." Anito. "Pasasaan pa at matatapos na rin ang misyon mo dito sa mundo natin at hahayaan kana naming makabalik muli sa planetang Earth kasama ng ina mo alingsunod sa kahilingang hiningi mo kapalit ng pansamantalang pamumuno mo sa mundo natin habang nawawala si Diland at hindi pa rin namin malaman kung sino ang kumuha sakanya o kung nag tago man siya." Dugtong nito.
"Talaga?" Insultong tanong ko sa mga ito.
Natigilan sila.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Pylic.
"Talaga bang hahayaan niyong mabuhay ako gayong kayo ang nag-utos noon na patayin ako alingsunod sa takot niyong matupad ang propesiyang nabasa noon ng mga orakulo." Wika ko.
Halos manigas ang mga ito sa kinauupuan nila.
"Kung hindi niyo lang hawak ang buhay ng ina ko ngayon ay baka matagal ko na kayong pinatay kasama nang mga walang kwenta na nilalang na naririto sa mundong ito." Mapanganib na wika ko.
"Maghinay-hinay ka sa pananalita mo, Dirk." Si Ruqon. "Tandaan mo na may kinalaman ako kung papaano ka nakaligtas sa abandonadong gusali na yun. Kung hindi nakiusap saakin si Diland na ilalayo kana lang niya sa mundong ito sa halip na patayin ka ay baka matagal kana talagang namatay. Pinagtakpan ko ang totoong estado mo sa lahat ng nilalang sa Novaliz. Sa ginawa kong yun ay para na rin akong traydor na matuturing." Dugtong pa nito.
"Sana nga at pinatay niyo nalang talaga ako noon." Walang emosyon na wika ko.
Natigilan ang mga ito.
Habang tumayo naman na ako.
"Edi sana, hindi na ako napipilitan ngayon na pag silbihan ang mga walang kwentang nilalang na katulad niyo." Dugtong ko.
Yun lang at lumakad na ako paalis ng silid trono ng mga elders at tumungo sa isang sagradong silid na may labis-labis na kapangyarihan pangontra saakin na siyang dahilan kung bakit hindi ko magawang itakas ang nasa loob nito.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...