CHAPTER 4

108 13 0
                                    


Davis Osmond Wulfric POV


Pinigil kong ngumawa ng i-abot saakin ni Kuya Draken ang torch na gagamitin ko upang sunugin ang hindi mabilang na katawan ng aming mga tauhan at kasamahan dito sa palasyo.


Dinig na dinig namin sa buong paligid ang malungkot na elihiya na kinakanta lamang sa Wolveroz sa tuwing may namamatay sa digmaan.


Lumapit na ako sa isang tupok ng mga nilalang na aking susunugin upang tuluyan na silang makarating ng Dismas o ang langit para saaming mga Novalian.


Ganun din ang ginawa ng ilan sa mga kapatid ko na masuwerteng nakaligtas mula sa pag-atake saamin kahapon.


Mula sa limangpung magkakapatid, labing-lima nalang kami ngayon. Anim sa mga ito ay suwerteng nakaligtas sa pag-atake dahil wala sila sa loob ng silid na yun kahapon. Habang milagro naman ang nangyari saaming mga nakaligtas bagama't nakaranas ng hagupit ng paghihiganti ni Dirk.


Maging sa panaginip, hindi ko inisip na magagawa ni Dirk ang bagay na yun. Bagama't nagkasala dito ang aming ama, hindi ko sukat akalain na magagawa nitong saktan at patayin ang mga tinuring nitong kapatid. Pero kung sabagay? Ano ba ang aasahan ko dito. Kahit noon pa man, binalaan na kami nito na huwag namin itong mahalin at pagkatiwalaan.


Tumingala ako upang makita ang mga kapatid kong nababalot ng crystal na yelo. Sa tuwing mamatay ang isang Wulfric, sila ay babalutin muna ng isang makapal at hindi nasisirang crystal na yelo. At sa oras na maglaho na ang kanilang katawang nilalang, tanging ang pinag-iwanan nalang na hindi natutunaw na crystal na rebulto nila ang matitira.


Patunay yun na minsan sa isang panahon, nabuhay sila. Kung saan naman sila mapupunta? Depende nalang yun kung naging mabuti sila o masama habang sila ay nabubuhay.


Sa Dismas, na tinuturing naming langit. Ang lugar kung saan walang gabi. Ang lugar kung saan maari kang mamuhay na parang isa pa ring nilalang. At sa oras naman na mamatay ka ulit sa lugar na yun, pinaniniwalaan na doon ka palang makakapunta sa totoong langit na sinasabi nila.


O sa Dimerius, ang tinuturing naming impyerno. Ang lugar kung saan walang umaga. Ang lugar kung saan bagama't makakapamuhay ka pa rin na parang isang normal na nilalang, puro gulo at digmaan naman ang iyong mararanasan. Pinaniniwalaan din na sa oras na mamatay ka doon, sa tunay na impyerno naman ang iyong kababagsakan.


"Dalangin kong dalhin kayo ng kamatayan patungo sa Dismas." Mahinang dasal ko.


Umatras na ako at tahimik na pinapanood ang unti-unting pagkuha ng kamatayan sa mga nilalang na nasaaking harapan. Parang bangungot ito saakin dahil buong buhay ko, inisip ko na hindi namamatay ang mga immortal na tulad namin. Paano kami matatawag na immortal kung kami ay namamatay pa rin sa pamamagitan ng mga espesyal na sandata at makademonyong lakas?


"Davis."


Nilingon ko si Kuya Denver ng tawagin ako nito upang ituro ang kung sino ang paparating. Ilang buwan muli itong hindi nagpakita saamin matapos nitong makabalik sa katinuan sa tulong ng panggagamot ng kuya naming si Draken.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon