CHAPTER 6

102 14 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Impakto, aso, hudas, gago!" Nang gagalaiti sa inis na wika ko. "Hayop na lalaking yun!? Nakakadiri. Ayoko sa lahat, inaari ako gayong hindi ko naman gusto. Ang kapal ng mukha niya!? Alipunga lang naman siya ni Dirk." Dugtong ko.


Natigilan ako.


"Wait, joke lang! walang alipunga si Dirk." Bawi ko din naman agad. "Baka yung totoong Devils King, meron? Pero si Dirk na nakilala ko wala." Dugtong ko pa sabay upo sa trono ko dito sa Shadowfell na kasing lawak man ng Winterfell ay di hamak na mas maganda't maunlad.


Bigla nalang tuloy ako natigilan ng maalala ko nanaman ang tunay na si Dirk Izunia Salvatorie at yung huling beses na magkita kami nito.


Nagising na lamang ako mula sa panaginip ko ng bigla kong ma-sense na may nangyayaring hindi maganda ngayon sa Novaliz.


Wala pa sana akong balak umuwi o magpakita ngayon doon subalit sa nakita ko mula sa Zeus Eye ko na marapat na akong umuwi ngayon sa lalong madaling panahon.


Mabilis pa sa alas-cuatro na bumangon ako para mag teleport na ng mas mabilis ng bigla ay matigilan ako ng may ma-realized ako.


Nasa isang hindi pamilyar na hotel room ako at nakasuot lamang ng panloob ko.


At parang pelikula na nagbalik tanaw saakin ang lahat ng mga nangyari saakin bago ako mawalan ng malay!


Si Dirk.


Si Dirk ang nagdala saakin patungo sa silid na ito.


Mabilis na tinignan ko sa Zeus Eye ko kung nasaan nanga ba ako ngayon. Naririto naman pala ako ngayon sa planetang Astoria. Dito ako nito dinala matapos kong mawalan ng malay sa train na yun.


Hindi ko lang alam kung ano pa ang mga ginawa nito saakin habang natutulog ako dahil may pangontra din itong Zeus Eye saakin pero wala na rin naman akong balak alamin pa ang bagay na yun.


Obvious naman na wala itong ginawang kahalayan saakin.


At ng i-check ko ang libro ng Salvatorie sa katawan ko ay naroroon pa rin ito. Hindi naman nito makukuha saakin ang libro ng ganun-ganun lang lalo't kung tulog ako.


Bakit ba kasi gustong-gusto ka niya makuha saakin? Dahil lang ba talaga ito sa paghihiganti niya o may mas higit pa siyang dahilan?


Tanong ko sa isip.


Mabilis na hinagilap ko ang mga damit ko para lang matigilan ng iba at bagong damit na ang makita kong naririto sa kuwarto ko.


The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon