CHAPTER 2

129 15 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Malakas ang tawanan ng mga lalaking medical personnel sa paligid ko. Tila mga hayop na nauulol sakanilang lungga ang yarian. Hindi magkandamayaw kung ano ang sasabihin at gagawin.


Hawak ang may kahabaang bakal na nagawa kong makuha ngayon-ngayon lang ay tinututok ko yun sa kung sino man sakanila ang magtatangkang lumapit saakin.


"Pambihira, halos limang dekada kana dito pero wala pa rin ni isang masuwerteng lalake ang nakapasok sa royal mong kuweba? Puwes! Ibahin mo kami. Kami ang wawasak sa record mo bilang impregnable bitch." Natatawang wika ng isa.


Tinutok ko tuloy dito ang bakal na hawak ko, masuwerteng nakailag naman ito palayo saakin.


Sinubukan ko ulit na sugurin ito para lang mapasigaw ng maramdaman ko ang malakas na kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Nagmumula yun sa kadenang nasa leeg, magkabilaang pulsuhan at paa ko.


"Dammit!" Mura ko.


Nagtawanan nanaman tuloy ang mga kalalakihan dito.


"Ano? Huwag mong sabihin naiintindihan mo ang nangyayari sa paligid mo, baliw!?" Tanong ng isa sa mga ito.


Dumilim na ang awra ko kasabay ng mariing pagkagat ko sa ilalim ng labi ko.


Ilang dekada na ako naririto subalit hindi ko pa rin magawang makatakas o makaalis. Ibang klase talaga ang hospital para sa mga baliw na ito. Napakagaling talaga ng aking ama na si Diland, alam na alam nito kung saan ako marapat ilagay.


Sa ilang dekada ko ng naririto, lagi nalang ako sinusubukang pagtangkaan ng mga hayuk na kalalakihan na ito. Lagi naman akong sinusuwerteng nakakaligtas sa lahat ng yun.


Ewan ko nalang ngayon.


Mas marami ang bilang nila kumpara sa mga nauna sakanila noon. At hindi tulad noon, wala na akong proteksyon na natatanggap mula sa labas.


Hindi ko matandaan ang eksaktong pangyayari, basta ang alam ko, tulala pa ako ng mga panahon na yun dahil sa matinding gamot na itinarak saakin. Nilabas ako nila Sandors at Sagfar para dalhin sa Wolveroz? Tapos sa meeting ng 'The Eight' kung saan inanunsyo na ako ang susunod na tagapagmana, may umatake saakin na kung sino? Tapos, tapos, prinotektahan ako ni Kuya Dyjin.


And voila! Wala na akong matandaan.


After din ng insidenteng yun, wala na akong natatanggap na proteksyon mula sa labas. Tila ba nakalimutan nila saglit na naririto pa ako sa impyernong lugar na ito.


"Akin na yan, bitch!" Agaw ng isang lalake sa hawak kong bakal.


Sinubukan ko pang huwag isuko yun subalit mas malakas ito kumpara saakin ngayon dahil na rin sa mga gamot na na katatarak lang saakin kanina.


The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon