CHAPTER 50

97 9 3
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Kung totoong mahal mo talaga si Dirk ay layuan mo na siya, Dallas." Seryosong wika ni Diland.


"Ganun nalang yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Iiwanan ko nalang siya at hahayaan na magkahiwalay ulit kami?" Dugtong ko. "Wala akong pakialam kung anumang propesiya ang nakasaad. Masira na ang mundong ito kung masisira at mamatay na tayong lahat pero hinding-hindi ko na muling hahayaan pa na magkahiwalay kami ni Dirk." Galit na wika ko.


"Dapat mong tanggapin na may mga nilalang na itinadhana para sa isa't isa at mga nilalang na hindi. Isa pa, sa tingin mo ba talaga ay mahal kana talaga ni Dirk?" Tanong nito.


Natigilan ako.


"Ngayon naman gusto mong ipalabas saakin na hindi niya ako mahal?" Natatawang pagak na tanong ko. "Ganyan kana ba talaga kadesperado para sirain ang relasyon naming dalawa?" Tanong ko dito.


"I have a proof." Confident na wika nito.


Napailing nalang ako.


"The hell with you, father!" Matigas na sagot ko sa halip sabay talikod na sana dito ng matigilan ako.


Tinanggal nito ang suot nitong Hera Necklace na siyang dahilan kung bakit nawalan ito ng pangharang sa Zeus Eye ko at makita ko ang mga ala-ala nitong hindi ko ninais na makita.


~"Dirk, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't binigay ko na ang gusto mong kalayaan kapalit ng pag-iwan mo sa anak kong si Dallas?" Kunot noong tanong nito.


~"Diland... Diland... Diland." Si Dirk. "Sa tingin mo ba talaga ay tutuparin ko na ang pangako ko na hindi na ako babalik sa mundong ito at titigilan ko na si Dallas? Nagkakamali ka sa bagay na yan." Demonyong wika ni Dirk. "Hindi ko pa rin nakakalimutan na namatay si Papa dahil sakanya at nasira ang buong buhay ko dahil din sakanya." Dugtong nito.


~"Kung ganun, ano pa ba ang dapat kong gawin para lang tigilan mo na siya?" Tanong ni Diland.


~"Kumbinsihin mo siya na ibalik saakin ang librong Salvatorie." Seryosong wika ni Dirk. "Baka sakaling magkaroon pa ako ng awa na hindi na siya pansinin pa." Dugtong nito.


~"At ano naman ang gagawin mo sa libro?" Tanong ni Diland.


~"Kung ano man ang gagawin ko sa librong yun ay wala kanang kinalaman pa o ang mundong ito. Oras na makuha ko na ito ay aalis na ako't hindi na muling magpapakita pa." Sagot ni Dirk.


~"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko kung ganun." Si Diland.


The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon