CHAPTER 32

73 12 0
                                    

Dallas Arthemis Columbus POV

"Wala man lang kahit na anong makakain o makikitang kapakipakinabang sa loob ng abandonadong silid na ito. Dapat dito, i-demolished nalang eh?" Suhestiyon ko habang nililibot ang buong lumang silid na ito. "Tignan mo naman, mga sira-sirang gamit lang yata sa palasyo ang makikita dito. Mamaya niyan, gawin pa itong patagong sex place ng mga nilalang na nakatira sa palasyo." Wika ko ulit sabay palatak.

Pero kahit yata anong daldal ang gawin ko ay wala akong kahit na anong tugon na makukuha mula sa nilalang na kasama ko. Para lang tuloy akong nakipagusap sa hangin sa ginagawa nitong pang-snob saakin.


"Hoy!" Tawag ko na sa pansin nito sabay lingon sa direksyon nito.


Hindi tulad ko ay hindi ito lubusang pumasok sa silid. Nasa may bukana lamang ito ng pintuan habang nakatingala. Bahagyang napakunot ang noo ko sa ginagawa nito lalo't mukhang naambunan ito ng anggi mula sa malakas na ulan.


"Lakas talaga ng sapak mo 'noh!? Sumilong ka pa kung gusto mo rin naman palang magpaulan!" Inis na wika at lapit ko dito.


Buong puwersang hinarap ko ito paharap saakin sa pamamagitan ng balikat nito na siyang hinawakan ko. Subalit anong lambot din ng ekspresyon ko at halos mawala ako sa katinuan saglit ng makita ko ang luhaang mga mata nito.


Sigurado akong lumuluha ito ngayon at hindi lang yun basta nanggaling mula sa ulang tubig na humalik sa mukha nito. Totoong luha ang nakikita ko ngayon lalo't bahagyang namumula ang mga mata nito. Nagtatagis din ang bagang nito na tila ba galit ito habang umiiyak ngayon.


"A-Anong p-problema mo?" Halos mautal na tanong ko dito.


Sa unang pagkakataon kasi ay ngayon ko lang ito nakitang umiyak. Maskina noong nasa high school kami ay never kong nakita si Dirk na umiyak ng ganito katindi.


Teka!

Mali!


Nakita ko nanga pala si Dirk na umiyak noong nasa high school pa ako.

Yun yung araw na pinapasok ko ito sa small apartment ko at pinaligo sa banyo ko. Tapos nung pumasok ako sa loob ay muntikan na ako nitong gahasain tapos umiyak ito...

Malakas ang duda ko na ang totoong Dirk din ang umiyak na yun sa harapan ko sa banyo noong high school ako at hindi ang isa nitong pagkatao na tila walang alam sa nangyaring yun.

Tapos nakita ko nga din pala itong umiyak noong araw na niligtas ko ito matapos nito muntikan ng magpakalunod sa dagat.

Bukod sa nabanggit, hindi ko na matandaan na umiyak pa muli ito sa harapan ko or should I say, malilimutin na yata talaga ang lolo niyo.


"Dirk?" Tawag ko sa pangalan nito ng tila wala itong balak sagutin ang tanong ko na yun.


Makita lang ito na umiiyak ay para na rin akong napupunit ng ilang daan libong beses sa sakit.

Halos tumagos sa puso ko ang sakit na nararamdaman nito na siyang kumakain sa buong sistema nito.

Nawala ang lahat ng nakakatakot na awra nito at napalitan naman yun ng malambot at sobrang sakit na presensya.


"Dallas..." Pigil ang emosyon na tawag nito sa pangalan ko.


Laking gulat ko ng yumuko ito at walang habas na niyakap ako upang isubsob ang mukha nito sa balikat ko. Halos mapaupo kami parehas sa may bukana ng pintuan ng gawin nito yun dahil ako halos ang sumapol ng bigat nito.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon