Dirk Izunia Salvatorie POV
"Ngayon gising at natagpuan nanamin sa wakas si Diland ay hindi kana ulit kailangan pa sa mundong ito, Dirk." Seryosong wika ni Ruqon.
"Sa madaling salita ay maaari kana muling bumalik sa mundong pinaglagian mo sa loob ng mahabang panahon." Si Pylic.
"Maaari mo na rin isama si Diana katulad ng napagusapan. Kay Prince Niros na siyang tunay na tagapagmana noon namin ibibigay ang trono ng Solteroz upang manatili sa lipi ng mga Salvatorie ang pamumuno sa kontinenteng nasabi." Si Fazia.
Marahang tiningala ko ang mga ito habang nananatili akong nakaluhod sa harapan nila.
"May nais ka pa bang hilingin?" Tanong ni Ruqon.
"Kalayaan." Maikling sagot ko.
Nakita kong natigilan ang mga ito ng tila hindi nila maunawaan kung para saan ang kahilingan kong yun.
"Kalayaan para sa mamamayang Novaliz." Dugtong ko sa nauna kong sinabi.
"Kalayaan para sa mamamayang Novaliz?" Tila nalilito pa rin na tanong ng mga ito.
"Kayo ang nagpapatakbo sa buhay ng mga nilalang na naririto, hindi ba?" Matalim ang tingin na tanong ko.
"G-Ganun nanga." Sagot ng mga ito.
"May naalala tuloy akong pamosong linya mula sa isang kaibigan." Wika ko muli sa halip.
"Anong linya yun?" Si Ruqon.
Tumalim bigla ang mga mata ko habang nakatingin dito.
"Fools set the rules in this world. Just take a look around, it's undeniable." Sagot ko kasunod ng ilan daang mga esdapang lumitaw nalang sa paligid na pinakawalan ko.
Umikot-ikot ang mga yun sa hangin at sunod-sunod na tumarak sa mga nilalang na nasa loob ng silid na ito maliban saakin. Mag mula sa tatlong elders hanggang sa mga tagapagbantay nila na sinubukan pa silang iligtas mula sa mga kamay ko.
Marapat ko lamang ito gawin sakanila dahil maraming buhay silang pinabayaan. Kaya nilang baguhin ang mga mangyayari subalit pinili nilang mangyari ang mga nangyari sa takot na mawala sila sakanilang kinatatayuan.
Panahon na para maghanap ng panibagong nakatatanda ang Novaliz. Bahala na sila Diland, Uncle Niros at Viol sa kung sinuman ang marapat na susunod na tatlong pinuno ng Novaliz.
Ang mahalaga saakin ngayon ay malaya na ako at ang ilan bilyong nilalang na naninirahan sa mundo namin mula sa mapangabusong kamay ng tatlong nakatataas na ito.
Walang emosyong lumabas ako sa silid trono nila upang tunguin ang silid ni Mama na siyang tunay ko talagang pakay sa pagtungo ko muli sa Foresteroz.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...