Dallas Arthemis Columbus POV
Malungkot na pinagmamasdan ko ngayon ang kabuuan gitnang bahagi ng labyrinth sa palasyo ng Wolveroz na siyang dati namin napuntahan ni Dirk noong bumisita kami dito noong high school pa ako.
Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o nag-imahinasyon kagabi matapos kong marinig ang boses nito at ang napakaganda nitong awitin pero mas lalo ko lang tuloy ito namiss dahil dun.
Hindi ko rin naman masasabi na totoo yun dahil sa pagkakatanda ko ay nakatulog nga ako sa ibang silid at sa pagmulat ko ay naroroon muli ako sa kama ko. Sa madaling salita ay panaginip lamang ang lahat na siyang mas ikinalulungkot ko.
"Dirky..." Tawag ko sa pangalan nito.
"Why so gloomy?"
Napaigtad nalang ako sa kinauupuan ko ng bigla nalang may mag salita sa likuran ko!
"Don't you do that ever again!" Mariing wika ko dito.
Subalit, tila hindi naman yata ito natinag sa sama ng itsura ko ngayon. Prenteng-prente na nakatingin paibaba saakin ang matatalim nitong mga mata habang nakatungkod ang isa nitong paa sa mahabang upuan na kinauupuan ko rin.
"It's none of your business, anyway." Sagot ko sa tanong nito ng makabawi ako sa pagkagulat.
"Hindi ka ba talaga natatakot saakin kahit kaunti?" Bigla ay tanong nito.
Kunot noong tinignan ko ito.
"Bakit ba paulit-ulit mo yang tinatanong saakin?" Tanong ko dito.
"I'm just checking if you're in your right mind." Kibit balikat na sagot nito.
"Bakit naman ako matatakot sayo?" Sagot ko dito. "Aaminin ko na takot ako sayo noon pero unti-unting nawala yun dahil wala ka pa naman ipinapakita saakin na dapat nga akong matakot sayo." Dugtong ko.
"Gusto mong pakitaan kita?" Tanong nito.
Natigilan ako.
"Your Grace..." Magalang na tawag ko dito pagkuwan. "Hindi mo kailangan i-proved saakin na masama ka dahil hindi naman na yun kailangan. Sa kabila ng mapait na pangyayari sa buhay ko, naniniwala pa rin ako na may kabutihan sa bawat puso ng isang nilalang." Dugtong ko.
Matagal na katahimikan.
"You're sounds like a woman now." Puna nito pagkuwan.
"Ano?" Kunot noong tanong ko. "Man ako!" Mariing dugtong ko para itama ito kahit ito naman talaga ang tama.
Ngumisi ito.
"Just give me the book and you will be with him forevermore." Alok nanaman nito sa alok nito saakin noon.
"At saan mo gagamitin ang libro?" Tanong ko dito.
"None of your business." Mabilis na sagot nito.
"Then no." Sagot ko dito.
"You're just making things complicated for yourself, Dallas." Seryosong wika na nito sabay upo sa tabi ko para tignan ang tanawin na aking pinagmamasdan. "I offer you the everlasting joy yet you always declined it as if you have so many other choices." Dugtong nito.
"Dahil—"
"Anong klaseng pagmamahalan ba ang mayroon kayong dalawa para i-sakripisyo ang isa't isa sa ngalan ng paninindigan niyo?" Putol na tanong nito sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...