FINAL CHAPTER

153 12 0
                                    


Dirk Izunia Salvatorie POV


"Welcome back, Big Boss." Nakayukong salubong saakin ng mga tauhan ko sa bukana palang ng pintuan ng kumpanya ko.


Dire-diretsong lumakad ako palapit kila Gladys, Igor at Rux na hinihintay kaming dalawa ni Shin na kasunod ko sa dulo ng mga nakayukong tauhan ko.


"Welcome back, Dirk." Salubong ni Gladys ng makalapit kami sa wakas dito.


"Nakuha muna ba ang gusto mong makuha?" Tanong ni Igor.


"Hindi naman uuwi yan kung hindi." Sagot ni Rux para saakin.


"Nakuha nga ba niya lahat ng gusto niyang makuha?" May kahulugan na tanong ni Shin na ikinatigil nila Gladys.


"Huwag nanatin pag-usapan kung ano ang nangyari sa Novaliz." Seryosong wika ko sa wakas. "Ang mabuti pa ay bumalik na kayong lahat sa trabaho niyo." Dugtong na utos ko.


Mabilis naman na sumunod ang mga ito habang tumungo na ako diretso sa sarili kong elevator upang mapagsolo sa opisina ko.


Ilang mahabang sandali din akong nakaupo sa swivel chair ko habang pinagmamasdan ang libro ng Salvatorie't iniisip ang mga huling nangyari sa pagitan naming dalawa ni Dallas.


"Alright." Anas nito. "Alright." Dugtong pa nito. "Ngayong nagawa mo na ang gusto mo, tigilan mo na ako, Dirk Izunia Salvatorie."


Walang emosyon na sambit nito kasunod ng paglakad nito paatras patungo sa loob ng train para tignan ang itsura ko habang iniiwan ako nito na para bang gusto pa nito makita kung may magbabago pa ba sa ekspresyon ko.


Huwag, Dirk...


Kumbinsi ko sa isip na pigilan ang sarili na magkamali.


Ayokong masira ang mga plano ko dahil lang sa sakit na nakikita kong bumabalot dito.


"No wonder why everyone left and hate you." Dugtong nito ng makapasok ito sa wakas sa loob ng train.


Titig na titig lang ito saakin na para bang inaantay pa rin talaga nito kung may magbabago pa ba saakin. Subalit hanggang sa huling pagkakataon ay wala pa rin itong napala.


Sumarado na ang salamin na pintuan ng train at umandar na yun lulan ang babaeng nag pagulo sa buong sistema ko.


"Goodbye, Dallas." Paalam ko pa dito bagama't nakaalis na ito.


"Ano na ang plano mo?" Tanong ni Prince saakin ng bigla nalang ito lumitaw at pumulupot sa braso ko.


Sa halip na sagutin ay binuksan ko na ang sagradong libro ng Salvatorie na simula noon pa man ay pinag-aagawan na ng sanlibutan sa Novaliz.


The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon