CHAPTER 11

92 13 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Halos lumitaw na yata ang krus sa noo ko habang naririnig ang malakas na tunog ng kampana sa palasyo. Mag mula yata na dito ako manatili ay lagi ko nalang naririnig ang nakakabinging tunog niyan tuwing alas singko ng hapon.


At dahil lakas toyo ako ngayon sa dami ng mga inasikaso ko buong mag hapon na kaparte ng bagong trabaho ko bilang prinsesa sa ilalim ng pamumuno ng totoong demonyo na si Dirk ay ginawa ko ang mga sumusunod.


(Music Background: Fujiwara Chicka Dace)


Kuyakoy ko sa mga paa ko bago tuluyang tumayo mula sa malaking lamesa upang sayawin ang isang nakakaaliw na sayaw na napanood ko sa anime.


Para akong tanga na sayang-saya sa pag sasayaw ngayon. Gayang-gaya ko ang sayaw ni Fujiwara na parang ako talaga ito. Sumangayon naman saakin ang damit na suot ko na bagama't hindi kamukhang-kamukha ng suot nito ay bahagyang nahahawig naman.


At dahil music background ang nilagay ng author sa halip na music playing ay ako na mismo ang nag-adjust. Ako na ang kumanta ng Japanese song kasabay ng masiglang pag sayaw ko.


Dito man lang ay mabawasan ang galit at inis ko sa mundo kampon ng mga nasa paligid ko.


Patapos na ako ng matigilan ako ng may mapansin akong mali. Sa sobrang saya ko yata sa pag sasayaw ko ay nakalimot ako na may mahalagang pag pupulungan ang mga kapatid ko kasama na ako at ng hudas na demonyong Dirk na yun.


At yun nanga ang tunay na dahilan kung bakit ako naririto sa silid na ito kung saan ilang oras akong nauna kaysa sa mga ito para nga makapagpahinga saglit.


Kung saan naabutan rin nila ang lahat ng katarantaduhan ko.


Hindi ako sigurado kung kailan at kung anong part na ng kabaliwan ko ang naabutan ng mga ito. Subalit isa lang ang sigurado ako, nagmukha akong tanga sa harapan ng mga ito na tahimik lamang nanonood mula sa iba't ibang sulok ng silid na ito.


"Tapos kana, sis?" Si Davis na pinipigilan ang tawa nito.


"You're a Wulfric and Wulfric shouldn't act like a fool!" Si Danier na hindi man lang natuwa sa ginawa ko.


Ay wow, Lannister ang peg!


Habang facepalm nalang si Kuya Draken at katulad ni Kuya Davis ay natatawa nalang din ang ilan pa sa mga kapatid kong 'The Eight' na naririto.


At kung tinatanong niyo kung nasaan yung pinalakang tabing sa istorya? Ayan at prenteng-prente na nakaupo nanaman sa may window chair na hilig na yata nitong pag pwestuhan sa tuwing may pag pupulong kami.


Sa halip na upuan nito ang upuan ni Diland ay hindi nito yun ginagawa bagama't naririto na ang lahat ng karapatan para gawin yun.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon