CHAPTER 3

121 11 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Mabilis na napabangon nalang ako ng dis-oras mula sa sa kinahihigaan ko. Napalinga-linga ako sa paligid para tignan kung ligtas pa rin ba ako.


Awa ng Diyos, wala naman akong panganib na nararamdaman sa paligid. Mabilis na kinuha ko ang gamot at tubig sa bedside table ko para inumin ang mga yun.


Sa tuwing inaatake ako ng nerbiyos o takot mula sa mga pangitain, panaginip o kahit na anong uri pa man ng mga pangyayari sa buhay ko ay ang gamot na ito na nireseta ni Sagfar saakin ang iniinom ko.


Mabilis na tumayo ako at naligo para makaalis na ako sa planetang ito. Sapat na ang mga impormasyon na nakalap ko sa planetang ito patungkol sa totoong pagkatao ng asawa ko.


Ang asawa kong hari ng mga demonyo na siyang dahilan ng lahat kung bakit pinatay nila Diland ang lalaking minahal ko noon. Ito ang kinatatakutan ng lahat na siyang kinatakutan din ng Dirk na minahal ko na makalapit saakin dala ng panganib nitong dala.


Kung mamalasin ay handa naman akong makita ito muli sa oras na mag-krus ulit ang landas namin.


Sa kasalukyan, ilang taon na rin ang nakalipas magmula ng umalis ako sa Novaliz para mag lakbay sa iba't ibang planeta at mag hanap ng mga ebidensya patungkol sa asawa ko at makapagtago na rin dito.


Nung nakatakas ako nung araw na yun, nagising na lamang ako na nasa Wolveroz na ako at ginagamot ni Kuya Draken.


Inaalis nito sa katawan ko lahat ng chemical na natamo ko mula sa hospital na pinaglagian saakin ng aming ama.


Hindi ko alam kung ang asawa ko ba mismo ang nagdala saakin sa lugar na yun o ano pero isa lang ang sigurado ako.


Ito na rin ang nagdala sa sarili nitong pagkatalo.


I pretty made sure na hindi nito masasaktan ang ilan sa mga kapatid ko gamit ang librong hinahanap nito saakin.


Ilan lang ang kaya kong protektahan dahil may hinihinging kapalit ang libro sa tuwing ginagamit ito ng kahit na sinong hindi marapat gumamit nito na tulad ko.


Ang pamilya ko nalang sa Eos ang marapat kong isipin sa ngayon kung papaano ko ba ito maililigtas sa kamay ni D—niya.


At yun nanga ang dahilan kung bakit natagpuan ko nalang ang sarili ko na umalis mula sa planetang pinaglagian ko saglit upang kumalap nga ng mga impormasyon patungkol sa totoong si Dirk.


At ito na ako ngayon.


Naririto sa planeta kung saan ako nagawa't isinilang. Sa mundo kung saan naranasan kong mamuhay ng mapayapa noong bata pa ako.


"Magaganda ang mga naani namin ngayon, hindi ba?" Masayang pagmamalaki ng isang babae na bagama't may edad na ay nananatili pa ring napakaganda.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon