Dallas Arthemis Columbus POV
"Mabuti nalang talaga at nakita mo siya ng mas maaga. Hindi biro ang ginawa niyang yan kaya sisiguraduhin ko na hindi na ulit niya magagawa ang bagay na yan. Kung kinakailangan na bantayan ko siyang buong mag damagan ay gagawin ko. Tinawagan ko na rin sila Gladys para tumulong na sa pag babantay sakanya, after all, kami ang personal knights niya." Si Shin.
"Buhay sila Gladys?" Tanong ko bagama't lutang pa rin ang isip ko.
Ngumiti ito.
"Hindi mo pa pala alam. Tulad ni Dirk ay nagawa din nilang makaligtas dun sa tulong namin ni Headmaster Sandors." Sagot nito.
"Sandors?" Mas todo kunot noo na ako ngayon. "Hindi ba't isa siya sa pumaslang kay Dirk sa abandonadong gusali na yun?" Litong tanong ko.
"It was part of his mere play alongside with your father, Lady Dallas." Seryoso at tapat na sagot nito.
My father...?
Nag buntong hininga ito ng malalim.
"Ayoko sanang saakin pa ito manggaling pero hindi ganun kasama tulad ng iniisip mo ang iyong ama, Lady Dallas." Wika nito. "Sadyang mas mahal lang niya si Dirk higit sayo kaya pinabayaan ka niya at niligtas niya ang isa." Dugtong nito.
"Anong ibig mong sabihin, Shin?" Kahit lutang ay nakuha na nito ang atensyon ko.
Marahang tumungin na muna ito sa lalaking natutulog ngayon ng mahimbing sa kama't kaharap namin pareho. Mag mula ng makuha koi to mula sa dagat ay hindi pa ito nagkakaroon ng malay bagama't maayos na ngayon ang kondisyon nito.
"Nung araw na matunugan ng ama mo na tuluyan ng mag hahari sa katawan ni Dirk ang isang katauhan na nilikha nila noong bata pa si Dirk para hindi tuluyang patayin ito ng mga nakatataas ay humanap muli si Diland ng paraan para maligtas si Dirk sa ikalawang pagkakataon. Nalaman din niya kasi na bukod sa tuluyan ng masasakop ng Dirk na nakilala mo noon ang buong pagkatao ng tunay na Dirk ay pinagbabalakan na rin itong tapusin ng mga nakatataas. Kung kaya naman nag panggap siya kasama na ng ilan mga tapat na konseho ng Wolveroz na papatayin si Dirk, when in reality, nasa ibaba na ako at naghihintay lamang sa pag bagsak nila Dirk." Kwento nito.
"Nasa... ibaba ka lang?" Gulat na tanong ko.
"Surprise?" Natatawang tanong nito. "Ako din at sila Headmaster Sandors maging si King Diland ay nasupresa ng makababa ako dun. Subalit ang mainam na sa tingin naming explanation kung paano yun nangyari ay ang pagiging busilak daw ng kalooban ko, ayon mismo yun kay Prince Niros na uncle ni Dirk na siyang katulong ko sa pag takas ni Dirk sa mundong ito." Kwento nito.
Si Prince Niros?
Akala ko ay pinabayaan nalang din nito ang pamangkin nito...
"Yun nga lang, hanggang dun lang ang tulong na mabibigay nila saamin. Hindi rin maari na pagsama-samahin namin sila sa iisang mundo kung kaya't pinaghiwalay-hiwalay na muna namin sila. Sa Eos unang pinadala ng ama mo si Dirk. Sa Eos kung saan, nag negosyo muna ito ng bar, bago ito mag desisyon sa sarili nito na tumungo na sa Earth. Nang makarating siya dun ay nag silbi siya sa mga Furukawa Immortal Vampire Mapia Clan bilang assassin hanggang sa makamit niya ang kalayaan niya. Gamit ang lahat ng naipon niya ay nag simula siyang mag negosyo sa tulong pa rin ng Furukawa na naging malapit na sa kanya. Ang Dark Empire na dati na rin naman niyang negosyo dito, sadyang dun lang talaga mas nakilala. It's a Mapia Business also pero hindi lang dito nag stick si Dirk bagama't ito ang pinaka paborito niyang negosyo sa lahat. Marami siyang pinasukang negosyo na ngayon nga ay kalat na sa buong kalawakan." Mahabang kwento nitong muli.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...