CHAPTER 29

78 13 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Halos umalis ang lahat ng nilalang sa dance floor upang mag bigay daan saamin ni Dirk.


Ang lahat ay gumilid at naghintay sa kung ano ang kalalabasan ng sayaw naming dalawa lalo't alam naman namin parehas ni Dirk na kinamumuhian kaming dalawa ng mga ito. Tila inaantay lang nila ang pagkakamaling magagawa namin para sa gabing ito.


Dangan nga lamang na wala silang magawa upang makita 'yon dahil siniguro kong hindi magtatagumpay ang mga ito sa ninanais nila.


Thank to Kuya Davis! Nagkaroon ng lusot ang gulong nangyari kanina na parang hindi nalang yun nangyari talaga.


Anyways, mabalik tayoooo...


Tinawag ako nitong asawa nito kanina.


At base sa ginawa nitong yun ay tila ba seryoso ito at mukhang nakaramdam ito ng labis na selos at galit kay Leonard na talaga naman muntikan na nitong patayin kanina.


Hanggang ngayon ay tila may galit pa rin na lumalangoy sa nakakalunod nitong mga mata na halatang pilit na iniiba ang nasa isip niya. Titig na titig ito ngayon saakin at halos hindi ako makahinga sa lalim ng tingin nito na tumatagos hanggang kaluluwa.


Halos lumambot ang tuhod ko at parang gusto ko yatang mapaluhod ngayon sa harapan nito base sa tingin na ipinupukaw nito ngayon lahat para lang saakin.


(Music Playing: Gramaphone Eugen Doga Waltz)


Kasabay ng pagbagsak ng musika ang siyang pag sisimula naming sumayaw. Pakiramdam ko ay nasa fairy tale land ako ngayon habang sinasayaw ang pinaka gwapong hari sa lahat.


Batid ko na sa kabila ng pagiging hari ng mga demonyo nito ay marami pa rin kababaihan ang nababaliw at ninanais ang isang katulad nito. Kaya naman napakahirap saakin paniwalaan na magkakagusto ang isang katulad nito sa isang katulad ko.


Kung ganun ay bakit ka niya tinawag na asawa kanina, Dallas?


Tanong ko sa isip ko sa gitna ng pakikipagsayaw at pakikipagtitigan ko dito. Maganda ang sayaw na ginagawa namin pareho na para bang pinag-aralan namin ito bago sayawin sa harapan ng maraming tao. Sunod sa galaw ang suot kong gown na mas lalong nag bigay ng dramatic effect sa sayaw namin.


Possible kayang may gusto siya sayo?


Hindi... imposible naman yun!


Besides kung magkagusto man siya ay hindi mo rin naman matutugunan yun lalo't sa isa niyang pagkatao ka inlababu!


Marahang inikot ako nito at iniharap muli dito para tignan muli at lunurin sa mga mata nitong napakalalim kung tumitig.


Siraulo ka ba, Dallas? Kung tutuusin ay iisa lang naman silang dalawa! Ayaw mo ba 'non? Pagkakataon muna ito para makuha muli si Dirk. Hindi man siya yung minahal mo noon ay siya pa rin si Dirk.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon