CHAPTER 14

95 10 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Nakikiusap po ako sainyo, kamahalan! Bumaba na po kayo diyan." Punong-puno ng pag-aalalang pakiusap ng damaja ko saakin.


"Shhhhh ka lang diyan! Laking puno ako kaya huwag kang mag-alala diyan. Besides, sayang naman 'tong mga bungang ito na hindi pinipitas sa palasyo? Tignan mo oh? Hinog na hinog na at ang tatamis pa. Bigyan kita pag kaubos ko ng mga kinakain ko." Pangako ko dito.


"Kamahalan!" Mangiyak-ngiyak na sa pag-aalalang tawag nito saakin.


Lagot nga naman kasi ito sa oras na may mangyari saakin lalo't si Kuya Draken pa mismo ang nag talaga dito bilang personal na damaja o tagapaglingkod ko.


"Hmmmm, sarap." Puri ko habang pinapapak ang kulay pula at hugis luha na bunga ng malaking asul na punong ito.


Masarap naman talaga ang bungang ito na pinagpapasalamat kong masarap ang lasa.


Sa totoo lang kasi niyan ay bahagyang malayo kami ngayon sa palasyo. Ganun pa man, nasa loob pa rin naman kami ng bakuran nito kung saan matatagpuan ang mga namumunga't kakaibang puno na tulad nito.


Sinadya kong lumayo ng kaunti sa palasyo dahil stress na ako masyado sa mga workloads na ginagawa ko dun. Hindi ko naman planong isama itong damaja ko subalit nag pumilit ito.


Tapos pinare-recite pa nito saakin ang ilan mga aralin na ngayon ko palang pinag-aaralan dahil ngayon palang naman ako totally nanatili sa palasyong ito.


Yun ang dahilan kung bakit ko ito binubwisit ngayon.


"Kamahalan!" Mangiyak-ngiyak muling tawag saakin nito.


"Hmmmmmmm..." Parang nang-aasar pang wika ko sabay akyat pa lalo para hindi na nito ako matanaw.


Mataas at malalaki ang mga sanga ng punong ito na may makapal na mga dahon. Hindi na talaga ako nito makikita pa mula sa ibaba at mas lalong hindi na ako nito masusundan pa.


Gumamit din ako ng espesyal na mahika para hindi ito marinig ng tainga kong lumakas na ngayon ang intensity ng pandinig dahil mas bukas na ngayon ang kapangyarihan at pagiging lobo ko.


"Life..." Wika ko sabay relax na umupo't at nag patuloy sa pagkain habang tinatanaw ang maganda't puting-puti na tanawin ng Wolveroz.


Matagal rin akong nanginain sa itaas ng punong ito habang namamahinga. Subalit ayoko pa rin bumaba mula sa pwesto ko dahil ayoko pa rin bumalik sa lintik na palasyong yun.


Puro problema at trabaho!


Sawang-sawa na ako.


Di tulad dito...


Tahimik...

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon