Dallas Arthemis Columbus POV
"For the love of Lucifer! Tigilan mo yang kampanero ka!" Hila ko dito mula sa lubid ng kampana.
Takot na takot na tinaas nito ang mga kamay nito.
"Patawarin niyo po ako, kamahalan!" Nanginginig sa takot na paumanhin nito bagama't tila hindi naman nito alam ang naging kasalanan nito.
"Tigilan mo ang pagkakampana mo! Ilang araw na akong naiirita sa tunog niyan kaya huwag muna ulit yan ikakalembang!" Inis na utos ko.
"G-Ginagawa ko lang po kasi ang t-trabaho ko, k-kamahalan!" Mangiyak-ngiyak na paliwanag nito.
Sukat dun ay napabuntong hininga nalang ako.
Ewan ko ba sa sarili ko!?
Pati kampanerong inosente ay napapaginitan ko pa ng wala sa oras.
"Pasensya kana din..." Paghingi ko ng paumanhin dito. "Sadyang hindi ko lang talaga gusto ang tunog ng malaking kampana na yan na lagi nalang pinapatunog tuwing hapon." Dugtong ko.
"A-Ayos lang po, k-kamahalan..." Mautal-utal na pagtanggap nito sa paumanhin ko.
Matagal koi tong pinagmasdan.
At alam kong hindi tamang manghimasok sa buhay ng iba sa pamamagitan ng Zeus Eye ko pero ginawa ko pa rin yun. Kasunod nun ay kinuha ko ang pitaka ko sa bulsa sabay kuha ng ilan pera dun.
"Sa tingin ko ay sapat na ang tunog na napakawalan mo ngayong hapon." Umuwi kana sa pamilya mo at bilan mo ng cake at handa ang anak mong ikalawa. Kaarawan niya ngayon, hindi ba?" Nakangiting abot ko ng pera dito.
"K-Kamalahan?" Halos mangilid ang luha nito pag tanong nun.
"Ang sabi ko ay umuwi kana ng maaga ngayon at bilhan mo ng cake ang anak mong ikalawa. Halos mag kasunod lang pala kami ng kaarawan na dalawa. Iparating mo sakanya ang pabati at hiling ko na sana'y maging kasing lakas at guwapo ko siya." Tapik ko sa balikat nito sabay kuha sa kamay nito at ipit ng salapi.
"S-Sobra-sobra po ang halaga nito..." Mautal-utal na wika nanaman nito. "Kaya na po kami nitong pakainin sa loob ng ilan buwan." Dugtong nito.
"Ipambili mo ng gamot para sa nanay mo yung sobrang halaga at ibigay mo naman sa asawa mo yung matitira pa. Solved na ba ang problema?" Tanong ko dito.
Tumulo na ng tuluyan ang mga luha nito.
"S-Salamat po, kamahalan!" Mangiyak-ngiyak na pasalamat nito.
Ngumiti ako.
"Walang anuman. Take it as my token of apology sa ginawa ko sayo kanina. Siya nga pala? Just in case na interesado kang umalis ng kapitolyo at mamuhay ng tahimik sa isang payapang lugar, baka gusto mo sa Shadowfell? I mean puro dating kriminal man ang karamihan sa nilalang na naroroon ay sinisigurado ko sayong hindi na sila ganun. Kulang kami sa mga kampintero't arkitekto. Bagay na bagay ka dun." Mahabang litanya ko.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...