CHAPTER 46

93 7 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Mula sa kuwarto namin ay marahang lumakad ako para sundan ang pinangagalingan ng malakas na musikang aking naririnig para lang makarating isa sa pinaka ipinagbabawal na silid ng Dirk na minahal ko noon na pasukin ko.


Kakatok sana ako para magpaalam dito na papasok ako ng hindi ko na pala kailangan gawin yun lalo't iniwan naman nitong nakakabig lang ang pinto na para bang alam na nito na pupuntahan ko ito.


Dahan-dahang itinulak ko ang pinto ng silid para lang tumambad saakin ang napakaraming art work nito simula pa noong bata pa ito na madali kong nahulaan dahil sa kalumaan nang mga yun.


Subalit sa mga paintings at iba't-ibang sizes ng mga statue ko mas napunta ang atensyon ko. Yung iba sa mga ito ay pamilyar na saakin dahil minsan ko na itong nakita sa beach villa naming dalawa ni Dirk.


(Music Playing: Mama – Queen)


Suot ang malaking t-shirt kung saan lumubog naman talaga ako sa laki ay tahimik na pinagmasdan ko ito ng palihim matapos ko itong makita na sa wakas.


Nakasuot lamang ito ng pants pang-ibaba habang wala itong pangitaas na siyang dahilan kung bakit malaya ko nanamang nakikita ang mga peklat nito at ang malaking krus na tattoo sa likod nito.


"Huwag mo akong panoorin ng ganyan at baka mabuntis kita ng wala sa oras." Anito.


Napangiti ako.


Napakalakas talaga ng pakiramdam nito.


Tipong kahit maingat naman ako sa ginawa kong pagkilos ay naramdaman pa rin nito ang presensya ko. Naiiling at natatawang lumapit ako dito para yakapin ito mula sa likuran nito na kanina ko pa pinagmamasdan. Kinagat ko pa ang braso nito sabay tingin sa pinipinta nito.


Hindi na ako nagulat ng makita kong ako nanaman ang subject nito ngayon. Nakatalikod ako sa painting nito habang pinadadaan ang mga daliri ko sa rehas ng soccer field. Itong-ito yung ginagawa ko kahapon dahil ginagaya ko ito sa ginagawa nito.


Hindi ko akalain na alam pala nitong ginagaya ko ito!?


"Paano mo nalaman eh nakatalikod ka saakin?" Gulat na tanong ko.


"Ako pa ba." Mayabang na sagot nito na ikinailing ko nalang.


"I don't like that song..." Puna ko nalang sa katang ipinapatugtog nito.


"Because the lead singer is bixesual?" Tanong nito na tila handa na itong makipagtalo.


"Grabe ka!" Anas ko. "Wala naman akong problema sa mga bakla... Ayoko lang talaga ng kantang yan kasi napaka-depressing pakinggan." Paliwanag ko.


"It's one of my favorite song." Kibit-balikat na wika nito.


The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon