CHAPTER 9

88 14 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"WE ARE ALL GONNA DIE HERE!" Sigaw ni Kuya Davis mula sa selda nito.


"None of this will ever happened kung hindi mo sana pinayagan si ama na umalis, Draken!" Galit na wika naman ni Kuya Danier.


"The Eight na tayo pero pinagmukha lang niya tayong tae. Pinamumukha niya saatin na siya ang pinaka malakas na nilalang sa buong kalawakan." Si Kuya Detroit.


"Huwag na muna natin isipin ang sarili natin. Ang mahalaga ay malaman natin kung ano ang nangyari sa mga nilalang na kasama natin sa party na bigla nalang nawala." Si Kuya Dathor.


"Hoy, prinsesang natulog lang sa pansitan. Ikaw pa man din ang tagapagmana at inaasahan namin na makakalaban sakanya, tapos ano? Naririto ka rin kasama namin, nu ba yan!" Pangmo-mock saakin ni Kuya Denver. "Bubu!" Dugtong nito.


Ay? ML? ML? ML lang!?


Palibhasa, baliw yata sa Mobile Legends ang mga puta!


Akala nila hindi ko alam? Eh kitang-kita ko sa Zeus Eye ko na lahat sila ay ML Players. Patago pa silang naglalaro at nakikiuso na akala mo mga tukmol na bubu.


PS: Nana user si Kuya Davis


Hindi ko ito pinansin.


"Ano nang gagawin natin?" Umiiyak na sa frustration na tanong ni Kuya Davis. "Hindi na tayo makakalabas dito. Sana talaga sumama nalang ako kay Dreyd sa mundong yun, o di naman kaya'y kay Dyjin? Hindi dapat ako naririto." Ngawa nito. "Papangit ako dito eh!" Dugtong pa.


"Tang ina, The Eight ka ba talaga? Wala kang alam kung di ang mag pabebe." Galit na tuya dito ni Dathor.


"What are you doing, Dallas?" Mahinang tanong saakin ni Kuya Draken.


Ang selda ko kasi ang nasa pinaka dulo na siyang pinagdalhan saakin kasama ng mga kapatid kong 'The Eight' matapos ang matinding labanan kanina sa dapat sana'y kasiyahan ng Wolveroz. Katabi ng selda ko ang selda ni Kuya Draken kaya ito lang ang nakakakita ng ginagawa ko ngayon.


"I'm trying to figure out our way out, Kuya. I've been in this kind of situation noong nasa mental ako. Sa tingin ko, pinaghandaan mabuti ni Dirk ang araw na ito. Kung mapapansin mo, may espesyal na material siyang ginamit sa mga selda natin para hindi natin magamit ang mga kapangyarihan natin. Ito yung same material na mayroon ang asylum kung saan ako dinala ng ating ama noon." Kwento ko dito.


"Kung makalabas man tayo dito, I'm sure hindi natin magagawang makaligtas sa labas. Nakita nanatin ang lakas niya kanina. Wala tayong nagawa upang makalaban man lang sakanya sakabila ng mga lakas na mayroon tayo. Dirk was born to rule this world and surely, he will." Mahinang wika nito.


Hinihinaan nito ang boses nito dahil nasisiguro nitong hindi ito naririnig ng mga kapatid namin ngayon dahil na rin sa mahikang nakabalot sa mga selda namin.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon