CHAPTER 44

74 10 2
                                    


Dirk Izunia Salvatorie POV


Kumuyom ng mariin ang mga kamay ko ng maalala ko ang ginawa kong pag-iwan sa kapatid ko isang taon pa lamang ang nakararaan. Iniwan ko ito sa takot kong maparusahan muli ni Mama at sa pagiging matagal ko sa pag pa-plano kung papaano ko ito mapaghihiganti sa ginawang kahayupan ng mga konsehong yun.


Kung sana ay hindi ko ito iniwan at hindi ako naduwag sa galit ni Mama...


Hindi sana umabot sa ganito ang lahat.


"Wala na siyang lunas, Queen Diana." Malungkot na anunsyo ng personal nitong manggagamot.


"Imposible!" Si Mama. "Immortal si Desha kaya papaanong ganito?" Dugtong nito.


"Patawarin mo ako, Mahal kong Reyna, aking Diana!" Si Doberyn. "Maaring hindi namana ni Desha ang pagiging immortal natin dahil nasa dugo ko ang pagiging mortal. May lahi akong Orianon na hindi mga immortal saaking ina na maaring namana ni Desha." Umiiyak nitong dugtong.


"Queen Diana, ang sakit na tumama sainyong anak ay malubha pa sa malubha. Kung ako ang tatanungin niyo, mas mabuti ng tapusin nanatin ang paghihirap niya kaysa unti-unti niyang maramdaman ang mga sakit na dadanasin niya." Ang manggagamot nito.


Subalit parang baliw na kinuha ni mama ang espada niya at walang anu-anong itinarak yun sa puso ng manggagamot.


"Anong karapatan mong sabihin ang bagay na yan, saaking anak? Diyos ka ba!?" Histerikal na tanong nito.


"Diana!" Si Doberyn.


Dahil sa nangyari ay pinatulog muna ng mga taga palasyo si Mama para na rin makapagpahinga ito.


Habang lihim naman na bumalik at pumasok ako sa loob matapos akong palayasin ng mga ito kanina. Nais ko parin kasing makita ng malapitan si Desha upang makita ito ng mas mainam at tignan kung matutulungan ko pa ba ito.


"M-mama..." Narinig kong bulong na tawag nito.


"Desha." Tawag ko sa pangalan nito.


Marahang nagmulat ito ng mga mata kaya ganun na lamang ang pagkahindik ko ng makita kong inu-uod na ang mga yun.


"K-kuya?" Tawag nito saakin.


(Music Playing: Code Geass – Innocent Days)


Mabilis na ikinulong ng mga palad ko ang kanang kamay nito na itinaas nito ng tila gusto ako nitong mahawakan.


"Naririto ako, kapatid ko." Tiim-bagang na sagot ko dito pigil ang emosyon na nagbabadya kong ibuhos.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon