twenty nine

44 2 0
                                    

Miko's POV


"Sir."

I stopped scanning the papers, napatingin ako sa pinto. 

"Mr. Castacillo is here."

Nang sabihin niya iyon, sakto rin na pinapasok na siya ng secretary. 

"Hello, mister Delos Cruz," sabi niya sabay nilahad niya ang kamay niya.


Castacillo? Hayun ba ang surname na nakita ko sa inbox ko? Cleonara Gail Abalos-Castacillo, right?


"Welcome, mister Castacillo," I greeted him as I stood up from my swivel chair. Nakipag-shake hands naman siya sa akin.

"Have a seat, please." Tinuro ko ang sofa na meron dito sa loob ng office ko.

"By the way, ako pala ang nagpadala ng message sa'yo thru email. Sorry kung hindi pangalan ko or ng company namin ang na-received mong email address. For safety purpose." Hayan ang sinabi niya nang umupo kami.

"Excuse me?"

"We found our daughter after many years, mister Miko." He beamed.

"Oh. That's good. Congratulations." Hayan na lang ang nasabi ko. As if I care sa family nila. And dapat, hindi ako involve do'n.


Kaya lang naman siya nandito dahil sa business proposal ng company namin sa kanila. Ni-reject na ako ng asawa niya. But one night, my secretary called that mister Castacillo will sign our proposal. Hindi niya binanggit kung kailan siya darating.


"I'm sorry kung tinanggihan ng misis ko ang business proposal niyo. She was bad mood at that time. Hindi ko alam kung bakit." 

Nang sabihin niya iyon, pumasok ang secretary para ibigay sa amin ang coffee. Pati na rin ang papers na kailangan niyang pirmahan.

Mukhang kasalanan ko ata kung bakit siya nag-iba ang mood ng asawa niya. Nalaman niya kaya 'yon?

"I'm curious about your family." 

I took a sip of black coffee nang sabihin niya iyon, habang siya, hawak niya ang contract.

"Kay Mika."

Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

"Hindi mo siya totoong anak, 'di ba?" tanong niya habang nakatingin pa rin siya sa contract.

Wala naman akong dapat itago dahil alam naman ng iba na ampon namin si Mika. 

I took again a sip of coffee before I answered him. "Yes." 

"Nakita niyo na ba ang parents niya?"

Napatingin na lang ako sa kanya. Nakita ko na pinipirma niya ang contract. Bakit ba niya tinatanong?

Pero kailangan ko siyang sagutin. 

"Oo. Pinatago niya si Mika sa amin. Limang taon na ang nakalipas pero hindi siya nagpakita sa amin para makuha ang bata."

Huminga muna siya nang malalim. "May I know the name?"

"Audrey. I forgot her surname." 

Dahan-dahan siyang ngumiti at nilapag sa table ang papel. "Mas maganda kung po-protektahan mo ang mga anak niyo, especially Mika."

Naalarma agad ako nang sabihin niya iyon. "Bakit?"

"May gustong kumuha sa anak mo. Hindi ko alam kung plano ba nila na idamay ang mga kapatid niya."

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon