nineteen

66 1 0
                                    

Mika's POV


"Wow!"


Bulong na lang ni March sa'kin nang dumating na kami sa dining room nila. Ang dami masyadong pagkain sa harapan namin. 


"So, nasaan na si Clinette?" tanong na lang ni Mrs. Ailly habang naka-akap siya sa amin ni March.

"Pauwi na raw, Mama," sagot ni ate Nashaine habang tinitikman niya ang bawat pagkain na nakahain ngayon. 

"Ano, kain na tayo?"

"Wait!"

Napalingon na lang kami sa labas ng dining room. Sino ba 'yon?

"Please lang, Clin, don't shout," sabi na lang ni ate Narshaine sabay pumasok na siya rito. Oh, siya pala si Clinette. 

"Sorry naman ate," sabi na lang niya. Tumingin siya sa'min. 

"Good evening sa inyo." Bati niya.

"Hi rin, good evening," bati na lang ni March. 


Hanggang balikat lang ni March si Clinette, mahaba naman ang buhok niya pero, kulot na parang noddles. Hindi siya maputi or morena, sakto lang ang kulay ng balat niya. Ang kinis pa ng mukha niya. Of course, bata pa siya.


"Upo na kayo para kumain na," sabi na lang ni Mrs. Ailly kaya umupo naman kami ni March. Pati na rin sila.

"Kailangan mong kumain nang marami, ate Mika," sabi na lang ni March saka niya inabot ang kanin sa'kin, "puyat ka kaya kailangan mong bumawi sa pagkain."

"Huh?" tanong ni ate Narshaine, "ay sus, sana pala natulog ka muna sa guest room."

"Don't push yourself too hard sa pag-aaral, ate Mika. Nakakamatay 'yan," sabi na lang Clinette na nasa tapat ko ngayon. 

Pa'no ko ba sasabihin na hindi naman ako nag-aral kaya puyat ako?

"Anyway, bumawi ka sa tulog mamaya, ha?" sabi na lang ni Mrs. Ailly sa'kin.

Tumango lang ako habang nakatingin ako sa pinggan, ang dami naman kanin na nilagay ni March. "Opo, misis Ailly."

"Oh please, drop that misis Ailly. Tita Ailly will do," sabi na lang niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Or, pwede din naman Mama," pabulong na sabi ni ate Narshaine saka siya ngumiti sa'kin. Tapos tumingin ako kay Mrs. Ailly na nakangiti ein sa'kin ngayon.


Bakit gano'n? Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya lalo na 'pag nakangiti siya? Hindi lang sa kanya, pati na rin kina ate Narshaine at kay Clinette na, ano'ng age nito? I'm sure, hindi namin siya ka-edad.


"Ang weird niyo na po." 


Napatingin agad ako kay March na isusubo na sana niya ang kinakain niya ngayon. 


"Lahat kayo nakangiti, ako lang ang seryosong kumakain dito."

"Oh," sabi ni ate Narshaine saka siya tumawa, "sorry. I don't why we're smiling."

Nag-lean sa'kin si March. "Ano'ng mayroon?"

"Huh? Ah, e." Hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit ba kami nag-ngitian?

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon