Lino's POV
Maaga kami pumasok ngayon. Oo, kami.
As in, kaming lahat. Bakit?
Dahil kay March.
"Wala pa rito ang mga babae," sabi na lang ni Karlos habang umiinom ng kape, "baka hinihintay nila si March sa labas ng school."
"Di ba dapat, tayo ang nasa labas ng school? At sila ang nandito sa loob?" tanong ni Timmy habang hawak niya ang phone.
"Oo nga 'no?" sabi na lang ni Joren na tumingin sa akin.
"Tawagin mo kaya si Mika. Papasukin mo sila rito. Tayo na lang ang maghintay kay March sa labas."
"Ako na lang." si Karlos na ang nag-volunteer. Lumingon ako sa paligid ng project area, masasabi mo na maaga pa lang dahil konti pa ang mga estudyante na naririto ngayon.
Kahapon, hindi kami pumasok gawa nang may tinapos kami na mga project. Nagkataon din na hindi pumasok ang mga babae na kilala namin dahil may tinapos din sila. Bale, si March lang ang pumasok kahapon.
Lahat kami, nag-te-text sa kanya magmula nang bumayahe siya papuntang school hanggang sa last subject niya. Kailangan hindi na maulit ang nangyari sa kanya noong nakaraang araw.
Kaya ngayon araw na 'to, pinapasok namin siya nang maaga. Oo, as in 6:30 nang umaga.
Paano pala namin nalaman na may masamang nangyari kay March? Si Jasmine ang nagsabi sa amin. Hindi na 'ko nakalabas ng bahay dahil sa parents ko. Nakaka-asar lang kasi hindi kami sinagot ni March no'ng gabi na 'yon.
"Dumating na raw si March. Papasok na sila rito," sabi ni Karlos.
"Good. Saan tayo ngayon?" tanong ni Renzo, "kailangan hindi tayo marinig ng mga tao rito."
"Doon tayo sa bakanteng room. Sa may 5th floor." suggest naman ni Joseph.
"Teka, puro first year ang gumagamit ng no'n," sabi na lang ni Airol.
"Walang tao ngayon doon," nang sabihin ni Joseph, napatingin siya sa labas, "hayan na pala sila."
Tumingin kami sa tinuro ni Joseph. Anim na babae ang naglalakad ngayon papunta rito. Kumaway na si Claire sa amin, tinaas ko ang kamay ko para naman makita nila kung nasaan kami.
Samantalang itong si March, lumilingon-lingon sa paligid niya. May hinahanap ba siya?
Ang dami kong tanong na tumatakbo sa isip ko magmula nang malaman namin kung ano ang hitsura ni Joyce. Kainis, malapit na pala sa amin ang kalaban.
"Saan tayo?" tanong ni Jo nang makarating sila dito sa pwesto namin.
Agad naman kami tumayo. "Tara, sa 5th floor," sabi ko sa kanila. Tinignan ko ulit ang buong project area.
Nandito kaya si Joyce?
~~~
"Bakit kasi hindi ka tumawag?" tanong na lang ni Sha-Sha kay March na nakayuko sa table na nasa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...