twenty two

52 1 0
                                    

Joren's POV


Hindi ko alam kung bakit ang daming tao ngayon dito. Lalung-lalo na do'n sa admin building, kala mo mga member ng "Men In Black" organization. 

Huwag niyo seryosohin ang sinabi ko na Men In Black organization, imbento ko lang 'yon. HAHAHA!


Maya-maya, nakita ko na lang na palabas ng building na 'to si March. Tatawagin ko na sana siya kaso, may kasama siyang mga lalaki. Kaklase ba niya 'to?


Bigla na lang siya tumingin dito at kumaway sa'kin. Kaya pala nakikita ako dahil suot niya ang kanyang salamin.

"Yo, Legaspi!"

Ngumiti naman ako sa kanya. "Wala kang klase?"

Lumapit siya sa'kin, nandito lang naman ako sa project area, nakatambay. "Mamaya, pero wala kaming prof kaso may pinapagawa siya kaya dadaan ako ng room mamaya."

Tumango na lang ako sa kanya sabay umupo siya sa tapat ko. 

"Kasama mo si Lino?"

"Sila nga hinihintay ko, e. Akala ko tapos na klase nila." Hayan na lang ang nasagot ko. 


Actually, pag-uusapan lang naman namin sa bahay ni Lino kung pa'no namin hahanapin si Joyce sa campus. Sabi lang ni boss sa'min, short hair lang daw siya tapos hanggang balikat lang niya ang height. Bale, ang pagbabasehan namin si Renzo para malaman namin ang tangkad. Kasi walang picture na binigay si boss, e.


"Ah, bale tambay ka lang ngayon?" tanong ko na lang.

"Actually, hinihintay ko si ate Mika. Isasauli ko sa kanya 'tong laptop." sagot niya sabay nilabas niya ang phone.


Itatanong ko na lang 'to sa kanya. 


"March."

"Hmm?" aniya habang nakatingin siya sa phone.

"Kaklase mo ba ang mga 'yan?" tanong ko na pabulong. 


Tumingin siya sa'kin at mukhang alam niya kung sino ang tinutukoy ko kaya sinundan niya ang tingin ko sa mga 'yon.


"Adik, hindi 'yan estudyante dito. Mga bwisita ang mga 'yan." sagot niya sabay tumingin siya sa phone niya.

"Bwisita?"

Bago niya ko sagutin, nilabas niya ang charger and sinaksak niya iyon sa ilalim ng table. May outlet kasi ang bawat table rito. 

"Akala kasi namin, kasama sila sa mga kumidnap sa'min no'n debut ni Axiela. Siyempre, nataranta kami ni Sha-Sha no'n tumapat kina Jasmeng at Clara 'yon van nila no'n foundation week." bulong niya.

"Hala, buti walang nangyari na masama sa kanila."

Tumango na lang siya. "Wala talaga. Hmmp, akala niya makukuha 'yon dalawa? No way." Nakatingin pa rin siya sa phone nang sinabi niya 'yan.

"Bakit? Kaya mo ba silang ipagtanggol?"

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya sa'kin habang nakangisi pa rin. "Oo naman."

"Baliw, baka matakot ka kapag narinig mo ang pagputok ng baril sa likuran mo."

Napatulala na lang siya sa sinabi ko. 

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon