Bakasyon na. So, kailangan masaya ang mga estudyante, 'di ba?
Except sa akin.
Hays.
"O, pupunta ka pa sa ospital mamaya?" tanong ni Sha-Sha kay Clara.
"Oo, magpapasama ako kay ate Narshaine, kung hindi siya busy."
"Ako na lang ang sasama sa'yo kapag busy si ate, okay?" Tumango si Clara kay ate Mika.
"Nasaan na sina Jo at Axi?"
Napatingin kami sa likod, ang mga gurpo pala ni Lino 'to. And, yey! Si Phillipe nandito!
"Hoy, Sha-Sha, kumusta na ang kakambal mo?" tanong ni Timmy.
"Di ko sure kung uuwi ba siya rito this year, e."
"Pasalubong kamo, ha?" sabi na lang ni Phillipe saka siya tumabi sa akin.
"Imported na condom?"
"Gago." Sasapakin na sana ni Phillipe si Sha-Sha kaso binatukan ko na.
"E, malay mo, hayun ang gustong ipasalubong sa'yo ni Shawn," sabi ko sa kanya.
"Tama nga naman si March," sabi pa ni Joren kaya naman, siya naman ang binatukan ni Phillipe.
"Chocolate ang gusto ko, hindi condom!"
"Chocolate flavor daw, Sha-Sha," sabi na lang ni Lino.
"Ay, chocolate ba? Sige, sabihan ko siya mamaya."
"Hoy, mga bibig niyo."
Napatingin kami kay Axi, kasama si Jasmeng, bitbit ang mga pagkain na inabang nila mula sa labas ng school. Nagpa-deliver ng pagkain si Jasmeng, e.
"Mga bibig niyo, nasa project area tayo, baka nakakalimutan niyo," sabi na lang ni Axi.
"Okay lang 'yan, wala naman gaanong tao, e."
"Enrolled na kayo?" tanong ni Jasmeng sa amin.
"Tinatamad pa ako, e." si Timmy ang sumagot habang siya ang naglalabas ng mga pagkain.
"Baka bukas ako mag-enroll. Sabay kami ni ate Mika," sabi ni Sha-Sha.
"May hinihintay pa kaming grades ni Lino at Karlos, e. Baka next month na 'ko," sabi ni Clara.
"Next week na kami," sabi pa ni Joren saka niya tinuro ang mga lalaki na 'to.
"Oh, okay. Baka sumabay na rin ako sa inyo," sabi ni Axi tapos tumingin sa akin.
"Ikaw March?"
Tumingin lang ako sa kanya.
"Oh?"
"Ano'ng 'oh?' Kailan ka mag-e-enroll?" tanong ni Jasmeng.
Tumango ako sa table. Ayoko gawin 'to, e. Pero, kapag tinuloy ko 'to, magtatagal ako sa lintek na paaralan na 'to!
Inagat ko ang aking ulo at tumingin sa kanila.
"Mag-shi-shift ako."
"Ha?!"
"Kawawa ka naman," bulong ni Lino.
Napatingin ako sa kanya, "bagsak nga ang tatlong Math ko! Halos lahat ng minor subject ko, pasado!"
"Ah, mag-shi-shift ka sa Industrial Engineering?" tanong na lang ni ate Mika, "okay lang 'yan. At least nasa engineering department ka pa rin."
"Mag-shi-shift ako sa business department."
"Ha?!"
Kinuha ko galing sa bag ang shifting form, kanina ko lang sinulat ang mga kailangan isulat dito.
"Absent ngayon ang dean at chair department ng business department kaya wala pang pirma," sabi ko sa kanila.
"Hala, ang layo ng engineering building sa business department," sabi na lang ni Axi.
"E, ayoko talaga mag-shift!" sigaw ko. Ang sama talaga ng loob ko ngayon!
"Okay lang 'yan, Marso."
Napatingin ako kay Clara.
"Kung hayun talaga ang paraan para maka-graduate ka ng college, gawin mo. Kaysa naman mabulok ka rito."
"Tama nga naman si Jeremia." Napatingin ako kay Jasmeng, "kung iisipin, mas madali ang business course compare mo sa engineeering course."
"At saka, magkikita pa rin naman tayong lahat dito sa project area." Napatingin ako kay ate Mika. Nakangiti siya ngayon.
Hindi ko pa rin matanggap na aalis na 'ko ng engineering.
Hindi na ako makakasama sa mga adventure nila.
Hindi ko na makikita si kuya L.
Paano na 'ko nito?
*************
FIND THE THREE PRINCESSES IS COMPLETED. HEHE
MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBASA PARA HANAPIN NI LINO, KARLOS AT JOREN ANG MGA PRINSESA <3
AT DAHIL NGA BAGSAK SA TATLONG MATH SI MARCH, KAILANGAN NA NIYA MAG-SHIFT. HUHU
ABANGAN NIYO, MAY DAHILAN KUNG BAKIT NAKI-SINGIT SIYA SA KWENTO NG MGA PRINSESA.
S E L E M E T :)
- k l e r i i t a <3
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...