fifteen

48 1 0
                                    


Venisse's POV


"Hindi talaga ako mapakali, sister."

"Kumalma ka, sister Ven. Walang mangyayari sa'yo kung matataranta ka riyan," sabi ni sister Lene sa'kin habang palakad-lakad ako ngayon dito sa kusina.


Nakita ko si Clara sa panaginip. May kasama siyang lalaki pero hindi ko makita ang  mukha niya. Nasa tulay silang dalawa at sabay na tumalon sa ilog. May humahabol sa kanila na pakiramdam ko, mga masasamang tao ang mga 'yon. Bakit sila hinahabol?


Pagkatapos no'n, ginising na lang ako ni sister Lene dahil nagsisigaw daw ako. Hindi na ako nakatulog nang maayos.


"Hindi sila pababayaan ng Panginoon, sister Ven," saka ako pina-upo ni sister Lara at pina-inom ng tubig.


Huling text ni Clara sa'kin, 10:55 na ng gabi. Hayan 'yon kumakain daw sila habang ang mga bisita roon, nasa dance floor. Lagpas hating-gabi na pero, wala pa rin siya. 


May tiwala naman ako sa kanya mula nang pumasok siya ng college, panay na ang overnight niya ngayon. 


Pero, iba na 'to. Wala siyang text.


Nahinto si sister Lara sa paglagay ng tubig sa baso ko nang makarinig kami ng mga katok mula sa pinto. 


"Si Clara na 'yan," sabi ko sabay lumapit na ko sa pinto. 


Huminga muna ako nang malalim. Nang mabuksan ko na ang pinto, may mga tao. May dalawang binata, 'yon isa basang-basa at ang isa naka-akap sa kanya. 

Kusa na lang pumasok sa loob. Nakita ko naman sumunod sa kanila si Mika at si Clara na nakayakap sa kanya. 

Teka, ano'ng nangyari sa mga 'to?


"May extra towel po ba kayo?" tanong ng lalaki na naka-akap sa kasama niya.


~


"Heto oh, mainit na kape." 

Inabot ko kay Lino at Clara ang mainit na kape habang balot na balot silang dalawa ngayon sa towel. Bagong ligo na sila at nakasarado na rin ang mga bintana pero hayan, nanginginig pa rin sila sa ginaw.


"Sister! Ang pait po masyado ng kape niyo. At saka, ang init pa masyado," sabi na lang ni Lino.

"Okay lang 'yan. Para magising ka sa katotohanan na hindi mo makakatuluyan ng crush mo," sabi ni Joren.

"Huwag ka na kasi umasa do'n, pre. Hindi naman kayo bagay no'n." dagdag pa ni Karlos.

"Anong kinalaman niyan sa iniinom ko ngayon? Kainis." Natawa na lang sila sa sinabi ni Lino. Ngayon ko lang nalaman ang mga pangalan nila, salamat kay March. Makukulit din pala ang mga batang 'to.

"Ah, eh, sister." Napalingon ako kay Shan. "Baka pwede po na, dito muna kami mag-overnight? Baka kasi nandiyan pa 'yon humahabol sa'min."

"Bakit ayaw niyo na isumbong sa mga pulis ang mga nangyari sa inyo-"

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon