thirty four

48 1 0
                                    

Jo's POV


Puta, baril ba 'yon naririnig ko?


Malapit na ko sa school, may mga kotse ako na nakita na naka-park sa labas ng school namin. May nag-sho-shooting ba rito? Wala naman naka-set up na mga camera.


Nakita ko si March, nakayakap siya sa bag niya. Sa iba siya nakatingin tapos, napansin ko na humihikbi siya habang nasa tenga niya ang phone. Bakit may isa pa siyang hawak bag? Ano'ng problema niya?


Tinignan ko ang phone, baka kino-contact niya ulit ako. Hmm, hindi naman.


Maya-maya, lumingon siya sa area ko ngayon. Kita naman niya ako dahil nakasalamin siya. Kumaway ako para sure na makita niya ako.


Bakit hindi siya makalapit dito?


Nakita ko na gumagalaw ang labi niya, parang may gusto siyang sabihin. Hindi ko sure kung ako ba ang kausap niya or 'yon nasa phone.


Pinapalapit ko siya rito pero umiiling siya. Hindi pa rin siya maka-alis sa pwesto niya. At saka, bakit ba siya umiiyak?


Lalapitan ko na sana siya nang may humila sa akin.


"March!"


Boses ba 'yon ni kuya Tonni?


"Huwag ka muna lalapit sa kanila." Napatingin ako sa taong humila sa akin sa sulok. 

"Hoy, kuya Livardo," sabi ko na lang sa kanya. Hingal na hingal siya.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na makita sa pwesto ko ngayon si March. At, may naririnig na rin ang pagputok ng baril.


Napatingin ako sa phone na hawak ko ngayon. Chineck ko ulit ang last message ni March sa akin.


From: Marchie~

Baril.


Tumingin ako kay kuya Livardo. "Kinidnap ba si March?"

"Hindi ko alam, Jas. Kasama naman niya si kuya Tonni ngayon," sagot niya habang may sinusubukan siyang tawagan. 

"Kainis, bakit hindi na sumasagot si March?"

"Huh?"

Tumingin siya sa akin. "Hawak ni March ang phone ni kuya kanina kaya pinapunta niya ako rito. At the same time, sinabi rin niya sa akin na pigilan kita. Huwag ka magpapakita sa mga 'yon."

"Bakit? Sino ba ang mga 'yon?" Nang itanong ko iyon, sunud-sunod na pagputok ng baril ang narinig namin. 


Tangina, parang noong debut lang ni Axiela lang, ah.


"Mamaya ko na sasabihin sa'yo. For now, doon ka muna sa kotse," sabi niya sabay inabot niya sa akin ang susi at tinuro ang pulang SUV na nasa tabi lang ng poste. Hayun lang ang nag-iisang kotse na naroroon kaya agad ko pinuntahan.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon