OUAT

202 5 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.



Once Upon A Time... In a land named Philippines, there are 3 pairs of couples or should I say, kings and queens, that happily lived in their palace. Each queen got pregnant and after 9 months, of course, they gave birth and announced that "IT'S A GIRL!"


Ayoko na mag-English, ang sakit na ng ulo ko.


Masaya na sana ang bawat pamilya na ito kaso...


Umepal na sa buhay nila ang nanay ng antagonist.


Oo, NANAY ng ANTAGONIST.


Ang ginawa niya sa unang pares, binankrupt ang negosyo nila. Gusto kasi ng nanay ng antagonist na sila ang makilala bilang pinakamayamang pamilya sa buong mundo. At, alam din ng nanay ni antagonist na matatalino ang mag-asawa na 'to kaya, tinarget niya ang kanilang prinsesa. Pero sorry siya, dahil nga matatalino ang mag-asawa na 'to, pinatago nila ang kanilang bunso sa kanilang kasambahay at lumikas sa palasyo.


Sa panglawang pares naman, alam ng nanay ni antagonist na matitinik at magaling sa barilan ang mga ito lalo na sa mundo ng Mafia. Yes, member sila ng Mafia. Pero, hindi nila hahayaan na ipasok ang nag-iisa nilang prinsesa sa magulong mundo na 'yon. To cut the story short, gusto ng nanay ni antagonist na agawin ang pagiging "famous" ng pares na ito sa mundo ng Mafia, including the baby.


At sa huling pares naman, sadyang mamayan sila at member din ng Mafia. Kaso, 'yon nanay ng antagonist, bitter dahil ex-boyfriend niya ang hari. Kaya hayun, target niya ang mag-ina. Pero s'yempre, dahil nga sa mayaman sila at member pa ng Mafia, isama na rin natin ang pagiging selosa (konti lang daw) ng reyna, ginawan nila ng paraan para umiwas sa plano ng nanay ng antagonist. Lalung-lalo na para sa nag-iisa nilang anak.


Ngayon, natuloy kaya ang nanay ng antagonist ang mga plano niya sa mga hari at reyna?


If ever na natuloy ang plano niya, ang tanong...


Nasaan ang mga prinsesa?


~

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon