Mika's POV
Karlos Panget:
Demn... Hahaha. Umm... Pa'no ko ibibigay sa'yo to?
Me:
First subject mo ba ang English 3 bukas?
Karlos Panget:
Yes. Pero 7:30 ng umaga ang punta ko sa school. Trip ko tumambay sa garden e. Tahimik at masarap ang hangin. Haha!
Sira ulo talaga 'to.
Me:
Shoot! Sige bukas.. Around 8:30? Pwede?
Karlos Panget:
Sure! Sure! Sorry talaga ah. Nawala kasi sa utak ko kanina. Hehe. :)
May pa-smiley emoticon pa siya! Hindi ko na lang nireplyan dahil expired na load ko.
Hindi naman kami close ni Karlos. Ayoko lang talaga sa pagmumukha niya. Well, kaya naman niya ang acads kaya isa siya lagi na sinasali sa math quiz bee para maging representative ng department namin which is, Civil Engineering.
Nilayo ko muna ang phone ko at tumingin sa laptop. Kailangan kong tapusin 'to bago ako kumain. Mag-re-review pa ko.
"Ate Mika," si Mitch, 'yon bunso kong kapatid, "kain na po tayo."
"Sige, tatapusin ko lang 'to. 'Nga pala, nandiyan ang kambal?"
"Wala pa po sila, e. Si ate Lilac po, nasa airport. Sinusundo si Dad."
"Naku po. I-text mo na ang mga ate at kuya mo. Pauwiin mo na sila, sabihin mo malapit na umuwi si Satanas."
Tumawa nang mahina si Mitch. "Sige po ate."
Ayaw namin kay Miko Delos Cruz. Napaka-strict niya. Mayroon siyang company, toy company to be specific, na may dalawang branches na nakatayo rito sa bansa at dalawang branches na nasa London. Ako, si Lilac at 'yon kambal na sina Michael at Michelle ang mamana sa company na tinayo ni Dad.
Although na, hindi naman niya ako kadugo, binigay pa rin niya. 'Yong isa pang natitira, para 'yon kay Mitch. Kaso hindi pa siya 18 years old. Hayun ang dahilan kung bakit nasa London siya at yes, pauwi na.
Bakit ko nga ba tinawag siyang Satanas? Wala lang, ayoko lang kasi sa kanya. Ang sungit niya, lalo na nang nalaman niyang pang-apat lang ako sa list ng scholar sa department namin. Nagalit talaga siya ng bonggang-bongga. Siya kaya mag-aral ng engineering tapos isasabay pa ang pag-aaral about sa company namin.
Nahirapan lang ako sa pag-ma-manage ng oras ngayon compare noong nasa juior high school pa lang ako, dahil kailangan kong umattend sa mga parties at CEO meeting. Nakaka-inis lang porket Business Administration ang tinapos no'n, lakas ng loob mag-demand. Nag-take pa siya ng Masteral degree. Ang galing.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siya. Nakangiti siya ngayon sa akin at lumapit dito.
"Hi there, future engineer."
Sino pa nga ba? E, 'di ang pinakamabait kong Mom. Sa totoo lang, si Mom ang nagpumilit sa'kin na mag-take ng engineering. Naniniwala kasi siya na kakayanin ko raw ang engineering.
Buti pa siya supportive samantalang ang Satanas na 'yon... hay naku po, ayokong mairita ngayon.
"Mom! Mom! Mom!" sigaw na lang ni Michael nang makalabas siya ng kwarto, "totoo bang darating si Kamatayan?"
"Kamatayan" refers to "dad". Don't worry, aware naman si Mom. Dami niya call sign 'no?
"Yes dear. Uuwi na ang Dad niyo. Kaya, kumain na tayo," aniya and then umupo siya sa tabi ko at kumain.
Bago ako umupo, chineck ko ang phone ko dahil nag-text si Lilac.
Lilac:
Dearest ate, mamamatay na ko dito kahit malakas ang aircon sa kotse. Anywaist, malapit na kami. Kaya, kumain na kayo ha? T_T
"Hahahaha! Si Lilac! Malapit na mamatay," sabi ko na lang sa kanila sabay nagtawanan sila.
"Kayo talaga," napatingin kami kay Mom, "mamimiss niyo rin 'yan kapag wala siya rito."
Hindi na kami nakapagsalita sa sinabi niya. Busy si Mom sa paglalagay ng mga food sa table.
"Mom, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" tanong ni Michelle.
Ngumiti ito sa kanya habang nagsasandok ng kanin sa pinggan ni Mitch. "Yeah, narinig ko. Is there any problem, dear?"
"Malaki ang problema namin, Mom." Napatingin na lang siya kay Michael.
"Ayaw po namin sa kanya, Mom," sabi na lang ni Mitch. Ang cute talaga ng kapatid ko.
Tumawa si Mom. "kayo talaga. Balang araw, maiintindihan niyo rin siya kung bakit ganyan siya ka-strict sa inyo. Lalo na't mga bata pa kayo."
Hindi na nakapagsalita ang mga kapatid ko. Tama nga naman si Mom, maiintindihan din nila 'yon balang araw kung bakit ganyan ang Dad nila sa kanya.
Hindi ko nga pala kadugo ang mga 'to.
But, nagpapasalamat talaga ako dahil naging parte ako ng family nila. Kahit na madalas, ayoko kay Dad.
Ganoon na lang kaya ang gawin ko after ko maging licensed engineer, hanapin ang totoo kong pamilya. Hindi ko alam kung paano pero, kailangan makita ko sila.
Kumusta na kaya ang mga 'yon? Naalala pa ba kaya nila ako?
~
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...