PA-SINGIT CHAPTER NI MARCH

49 2 0
                                    


pt. 3

(last na)


"Sige na, Marso. Uwi ka na," sabi na lang ni Jasmeng sa akin. Nakapatong pa pala sa akin ang jacket ni kuya Tonni.

"Di nga? Dito ka lang?" tanong ko saka siya tumango. Tinignan ko ang parents niya, nakangiti sa akin. Problema ba ng mga 'to?

"Umuwi ka na. Baka pagalitan ka ng nanay mo," sabi pa ni Jasmeng sa akin saka siya lumapit dito para yakapin ako.

"Text mo ko kapag nasa bahay ka na, ha?" bilin niya saka ako tumango.

"Let's go." Lumingon ako kay kuya Tonni, naghihintay na pala sa akin.


Ooohh. Ihahatid niya ako, hehe.


Tahimik lang ako. Hindi ako nakapag-charge sa bahay ni kuya Livardo kasi... ano... nanginig kanina ang mga kamay ko. Nakakatakot kasi 'yon mga narinig ko.


Lalo na't may binanggit 'yon mama ni Jasmeng na mga pangalan.


Jeremia.

Cleonara.

Crystalline.


May idea ako kung sino si Jeremia. Familiar sa akin si Cleonara. At, si Jasmeng pala si Crystalline.


"Natatakot ka pa rin sa parents ko?"

Napatingin ako kay kuya Tonni. "Huh?"

Tumingin siya saglit. "Parang takot na takot ka, ah." Focus na focus siya sa pagda-drive.


Sabihin ko ba sa kanya kung nasaan si Jeremia?


"Hindi ako takot sa parents mo. Pasma lang 'to," sabi ko na lang sa kanya tapos tumingin na lang ako sa labas. Teka, hindi naman ako pasmado, ah.

"You're lying."

Napatingin na lang ako kay kuya Tonni. Nakangisi na pala ang loko.


Alam ko ang meaning no'n, English sinabi niya, e. Pero, mas mabuti na hindi ko na lang siya sagutin. Baka i-English ako, e. 'Di me ready, huhu.


Shit, bago ko pala kalimutan.


"Ano, kuya, 'yon baril mo pala."


Sakto naman na hininto niya ang kotse at tumingin sa akin. Hawak ko na kasi 'yon baril niya.


"Ayaw mo itago?"

"Ay, gago ka ba kuya?"

Bigla na lang siya tumawa. "Bakit? Wala naman bayad 'yan, March."

"Ayoko magtago ng baril sa bahay, kuya. Baka kung ano ang isipin nila roon."

Tumigil siya sa pagtawa at tinignan niya ako, as in ako hindi 'yon hawak ko. Ano ba ang problema nito?

"Kunin mo na kasi." Nilagay ko na lang sa lap niya ang baril saka ako umupo nang maayos. At ngayon ko lang na-realize na nandito na pala kami sa street namin.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon