six

80 2 0
                                    

Jo's POV

Napatingin ako sa phone ko nang may nag-vibrate. Pusta bente 'pag si Claire 'to.


Incoming Call...

CLAIRE


Oh 'di ba! Clara nga!


Pauwi na 'ko galing convenience store. Sasagutin ko na sana ang tawag ni Claire kaso bigla na lang nawala. Baka nagpapamiss lang 'to.


Alam kong madilim 'tong lugar namin, kahit na may ilaw na ng poste rito, madilim pa rin. Marami naman ang nakatira rito.


Mukhang ako lang ang naglalakad ngayon dito sa street namin. Kaso, pakiramdam ko may sumunod sa akin. Kaya, tumingin ako sa likod.


Pero, wala naman.


Weird lang kasi ngayon lang ako natakot ng ganito. Palagi naman ako umuuwi nang late, madaling-araw pa nga madalas, e.


Pero, ang aga pa. Alas-sais pa lang, e. Pauwi pa lang ang mga tao. Pero, bakit walang tao rito?


Takte, ang layo pa kasi ng bahay ko! Hindi ko pa maubos ang iniinom ko.


May sumusunod talaga, e! Tatakbo na lang ako.


Nang makarating ako ng bahay, nilock ko na ang gate, pinto pati na rin lahat ng bintana. Basta, kailangan hindi siya pumasok sa bahay na 'to. Bahala na kung hindi makapasok si Papa ng bahay, basta, naka-lock ang dapat i-lock. Alam ko naka-lock ang bintana sa kuwarto ni Papa. 


Taena, natatakot ako!


Ayoko tawagin si Papa, baka kasi hindi niya hawak ang phone ngayon.


Kinuha ko sa kuwarto ang laptop at mga unan. Dito na lang ako sa sala matutulog. Kailangan  bukas lahat ng ilaw.


At...


At...


Adik! Nasaan 'yon phone ko?!


Claire!


Claire's POV


"Hail Mary... Full of grace... The Lord is with you... Blessed you among women... And blessed is the fruit of your womb... Jesus."


Hay.


"Holy Mary... Mother of God... Pray for us sinners... Now at the hour of our death... Amen."


Naku po.


"Hail Mary... Full of grace... The Lord is with you... Blessed you among women... And blessed is the fruit of your womb... Jesus."

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon