Sha-Sha's POV
Kailangan daw namin mag-ingat kay Joyce, sabi ni Lino.
Paano ko gagawin 'yon kung katabi ko siya ngayon dito sa computer lab? Classmate ko siya ngayon sa CADD. Kaasar!
Itanong ko kaya kung ano'ng trip nito sa buhay? Siyempre, joke lang. Baka kung ano pa ang masabi ko, mahalata pa niya na may nalalaman ako tungkol sa kanya.
"Hoy."
Napatingin na lang ako sa kanya nang kalabitin niya ako. Hindi na 'ko nakikinig kay sir.
"Kanina pa kita kinakausap," aniya
"Baliw. Nakikinig ako kay sir. Baka mamaya, may activity siya na ipagawa sa atin. Hindi ko na naman matapos."
"I know na magagawa mo ang activity, Sha-Sha. Listen to me, please?"
Ang kulit. "Okay sige. Ano ba 'yon sinabi mo kanina? Sorry, 'yon tenga ko kanina, na kay sir."
Mas lalo siyang dumikit sa akin. Mabuti na lang, nasa last row kami. Ewan ko lang kung makikita kami rito.
"Malapit na kasi matupad ni Mom ang promise niya."
"Ah? Ano'ng promise?"
Napatingin ako sa pinto, pumasok ang crush ni Marso. Classmate ko pala siya sa subject na 'to. Palagi na lang siya late, aware kaya si March? Makwento ko nga sa kanya mamaya, hihi.
"About sa tatlong prinsesa na gusto niyang ipakilala sa akin."
O.M.G. Hindi ko alam kung sinabi niya ba sa akin 'yan or nakalimutan ko. But, mag-prentend na lang ako para hindi siya ma-disappoint sa akin.
"Really? Kailan daw?"
"Two weeks from now. Debut party ni Jeremia," sagot niya habang nakangiti siya sa akin. Hindi naman ako interesado sa mga prinsesa na 'yon. Hindi ko naman sila kilala.
"Talaga? Nice. Dapat may regalo ka sa kanya. Pati na rin sa dalawa, right?" tumango lang siya sa tanong ko.
"Samahan mo 'ko mamili ng gifts."
Ano, sasamahan ko ba?
"Sure. After ng CADD, wala na 'kong class," sabi ko na lang sa kanya.
Patay ako kay Lino nito.
"Okay. Hapon pa ang next class ko," nang sabihin niya 'yon, umayos na siya ng pwesto dahil may ipapagawa na sa amin si sir.
~~~
"Ano ba ang gusto mong iregalo sa kanila?" tanong ko habang naglilibot kami sa mall na 'to.
Kapit na kapit talaga si Joyce sa akin, ah. Kung sabagay, ganyan naman talaga siya. "I don't know. Ngayon ko pa lang kasi sila makikilala, e."
"Ah, oo nga pala 'no?" sabi ko na lang saka siya tumango. Nahinto kami sa tapat ng department store.
"Try natin maghanap dito. Baka, may makuha tayong idea kung ano ang ireregalo mo sa kanila, okay?" sabi ko na lang sa kanya habang nakangiti.
"Okay! Let's go!" sigaw niya tapos hinila niya ako papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...