forty three

39 2 0
                                    


Axiela's POV


Nakaka-inis. Mukha pa lang niya, mukha na siyang mamatay-tao. Bakit hindi ko nakita 'yan noong classmate ko pa siya?


Tumingin na lang siya sa amin, her eyes widened. "Aba, nakatakas ang friends mo, Joyce."

"Yeah, sayang, hindi nila matitikman ang mga besties ko."

Baliw na ba siya?

"Don't worry, hindi naman sila makakalabas dito," sabi na lang ng mom niya.

Lumingon siya sa likod habang hinahaplos niya ang buhok ni Joyce. 

"Boys."


Are we expecting somebody? 


Pero, walang "boys" na dumating.


"Aba, nasaan ang mga-"

Nahinto na lang siya nang may nagpakita na isang babae sa amin. I think nasa 25 to 30 na ang age niya. At mukhang invited siya sa party ni Joyce.

"Hello, misis De Paz," she said while showing her faked smile.

Yeah, a faked smile. 

"Oh, hello, Narshaine. How are you?"

Lalapit na ang mom ni Joyce nang hatakin ni miss Narshaine ang buhok niya.

"Oh my God, don't please!" sigaw ni Joyce.

Tumingin si miss Narshaine kay Joyce. "Ano'ng Oh my God, don't please? Ha? Heto ang bagay sa mama mo, Joyce."

Bigla na lang niya inuntog sa pader ang ulo ng mom ni Joyce. Napalakas ng ginawa niya, may lumabas na dugo galing sa ulo.

"Mom!"

"Boys."

Nang sabihin 'yon ni miss Narshaine, may tatlong lalaki na tumakbo papunta rito. 'Yon isa, huminto sa harapan ni March.

"Nasaan sila?"

"Ah, nandoon kuya Livardo. Tara!" sigaw ni March saka sila tumakbo papunta sa room.

"Ano'ng gagawin niyo!?"

"Joren, pigilan mo 'yan!"

Agad naman hinahawakan ni Joren ang dalawang braso ni Joyce. Pinipilit niyang makawala pero, mas malakas ang humahawak sa kanya ngayon.

"Where do you think you're going, young lady?" Napatingin na lang siya kay miss Narshaine.

"Bitawan mo si Mom!"

"Oh, no, no, no, dear. Hangga't hindi pa sila nagkikita ng parents ng mga prinsesa, I will not let go of this head." 

Nang sabihin niya 'yon, inuntog pa niya ang ulo ng mom ni Joyce. More blood.

"Narshaine?"

"Mom, they're here."

May dalawang babae ang dumating ngayon. Sila ba ang mga magulang na sinasabi ni miss Narshaine?

"Gabriella!" sigaw ng isang nanay sa kanya. So, Gabriella ang name ng mom ni Joyce?

Hinarap ni miss Narshaine si Gabriella sa dalawang 'to. 'Yong isa, nakangiti sa kanya habang ang isa, nakatingin sa amin.

"Narshaine, sino ang mga 'to?"

Miss Narshaine looked on us. "Oh, tita, sila pala ang friends ng tatlo. Including the young man here." Tinuro niya si Joren.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon