Jo's POV
"Tangina naman, March! Nakakagulat ka!"
Sigaw ko na lang sa kanya nang lalabas na sana ako ng room.
"Huwag ka lalabas!" sigaw na lang niya. Nanlalaki pa ang mga mata nito, singkit naman.
"Bakit ba? Ihing-ihi na ko," sabi ko saka ako naglakad papunta sa kabilang pinto at lumabas.
"Basta 'wag ka lalabas ng building na 'to," sabi na lang niya. Nasa floor kami kung saan puro computer lab ang makikita rito.
"Bakit ba?" tanong ko na lang sa kanya habang naglalakad na kami papuntang c.r.
"E, nandito 'yon mga feeling kidnappers. Hindi ko nga alam kung anong plano nila sa inyo ni Clara." sagot niya tapos pumasok na ko sa cubicle na 'to.
"At saka, sinundo na rin ni Sha-Sha si Clara sa room niya ngayon. Feeling ko, malapit na matapos ang class niya kasi 1:30 na."
"May klase ka pa ba?" tanong ko.
"Analytical Geometry kaso, wala si ma'am! Pero, dadaan ako ng room kasi may pinapagawa siya sa'min." sagot na lang niya.
Talaga bang nandito ang mga 'yon? Mula nang nakita ko si sir Livardo, hindi na 'ko nakatulog nang matino. Last week lang nangyari 'yon, e. Hanggang ngayon naalala ko pa rin 'yon feeling na nagsalita siya, parang gusto kong sabihin kay March noon na hindi siya kidnapper. Kasi, hindi sila mukhang mga kidnapper.
"Nasaan si Jo?" Alam kong boses 'yon ni Sha-Sha. Tapos na ang session ko kaya lumabas na ko ng cubicle.
"Pahingi ng alcohol, Sha," sabi ko sa kanya sabay inabot naman niya agad ang alcohol, "nasaan si Claire?"
"Nasa labas, may ka-chat pa." sagot niya sabay nagpulbo sa harap ng salamin.
"Sana all may ka-chat." bulong na lang ni March habang nagpapa-cute pa sa salamin.
"Ay, teka, nasaan ba ang phone ko," ani Sha-Sha, "mag-picture tayo."
Mula sa likod ni March, yumakap ako sa kanya. S'yempre, kanyang-kanya pose na kami. Madami talaga kumuha ng picture si Sha-Sha.
Napatingin ako kay March, "i-chat mo na kasi si kuya L para naman sumaya ka!"
Lumaki ang mga mata niya at dahan-dahan tumingin sa'kin. "Ayaw nga ako kausapin, e!"
"Oh! Kalma lang Marso, lalaki lang 'yan!" sigaw naman ni Sha-Sha sabay niyakap niya si March. "Hanap na lang kita na boys, you want?"
Bigla na lang bumitaw si March kay Sha-Sha. "Ayoko. Kuya L pa rin!" sigaw niya nang makalabas na kami. Buti kami lang ang tao rito sa c.r.
"Ano'ng kuya L pa rin?" napalingon na lang kami kay Claire, "move on na hoy!"
"Ayaw, e!" sigaw na lang ni March sabay nauna siyang naglakad. Baliw na talaga 'to.
Maloko nga.
"Hoy March, baka makasalubong mo siya, ah!" sigaw ko sa kanya. Napatingin na lang ang dalawa sa'kin.
"O'nga! Alam ko may klase siya ngayon dito, eh!" sigaw agad ni Claire, "pero sa pagkaka-alam ko, mamayang gabi pa klase niya." bulong niya bigla.
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...