seventeen

63 1 0
                                    

Mika's POV


"Ano 'to?" 

Hayan na lang ang natanong ko kay Mom nang makita ko ang hawak niya, isang cocktail dress na peach ang kulay. Nakapatong ang plastik sa damit, mukhang bagong bili.

"May pupuntahan tayong party bukas. Invited tayo ng isa sa mga stockholders natin," sagot niya nang ipasok niya sa loob ng cabinet ang ang dress.

"Mom, ayoko pong sumama sa inyo."


Ayoko na talaga maulit ang nangyari sa party. Muntikan na makita ang kaluluwa ko no'n. Hinatid ako ni Sha-Sha, siya ang nagpaliwanag ng mga nangyari. Hindi ako pinagalitan ni Dad nang makauwi ako galing sa monasteryo. Pero, hindi ko sila kinausap. Nagkulong ako sa kwarto buong araw.


Lumapit sa'kin si Mom at niyakap ako. "It's okay, nando'n naman kami ng Dad mo. Po-protektahan ka namin, okay?"

"Mom." Hayan na lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko.

"Nakulong naman sila, 'di ba? Sinabi ni Axiela sa'min," sabi niya saka ako tumango. "Oh, e, 'di, wala na ki-kidnap sa'yo. Pati na rin sa mga kasama mo."

"Sana nga Mom." 


Hindi talaga ako okay.


~~


Dumating na kami rito sa venue. Puro mga mayayaman na tao ang nandidito ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng meron, birthday party ba? Anniversary? Or nag-a-aksaya lang sila ng pera para lang magka-party?


"Oh." Isang babae na nasa edad na 40+ ang nakapansin sa'min. 

"Mister Delos Cruz," sabi niya sabay kumaway siya kay Dad.

"Sino 'yan?" tanong ni Lilac sa'kin sa akin.

"Aba malay ko." Hindi ko naman kilala ang mga tao rito.

"Misis Reyes, nice to see you here," sabi ni Dad sabay nakipagbeso siya sa babae na 'yon. Maya-maya, napatingin siya sa'min.

"Oh, is this your..."

"Yes, my family," sabi ni Dad saka siya lumapit kay Mom. 

"Meet my wife, Lily."

"Hello, misis Reyes," sabi na lang ni Mom saka siya nakipagbeso sa kanya.

"And these are my children. Mika, Lilac, Michelle and Michaela. And lastly, our baby Mitch." Hayan ang pagpapakilala ni Dad sa'min. Ngumiti na lang kami sa kanya.

Tinitignan niya kami nang maigi, lalo na sa'kin. Hindi ko naman kilala 'to, ano'ng problema niya?


"It's kinda weird but, ang gaganda at gwapo ng anak niyo," sabi niya pero nakatingin lang siya sa'kin, "medyo familiar sa'kin ang mukha mo, hija."

Ako ba ang tinutukoy neito? 

"Po?"

"Misis Reyes."

Nang lumingon naman si ma'am. "Oh my goodness, Ailly!"

"Siya 'yon babae na nasa office ni Dad no'ng isang araw. Siya ba 'yon misis Castacillo?"

Tinignan ko si Lilac. "Kailan ka pumunta sa office ni Dad?"

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon