Joshua's POV
Nasabi na lang ng isa sa mga nurse na may naghahanap sa akin. Tamang-tama lang dahil pauwi na din ako. Naka-abang daw sa parking sa tapat ng ospital.
Hindi ko naman alam kung sa'n banda sila rito. Teka, marami ba ang naghahanap sa akin ngayon?
"Mister Ochoa."
Lumingon na lang ako nang may tumawag sa apelyido ko. Ako lang naman ang Ochoa rito, 'di ba?
Isang lalaki ang papunta ngayon sa kinatatayuan ko. Mukhang, nasa 24 pataas ang edad niya.
"Kayo po ba si Joshua Ochoa?" tanong niya habang nakangiti sa akin.
Agad ko rin siya ningitian. "Ah, oo, ako nga. Ikaw ba 'yon naghahanap sa akin kanina sa loob?" tanong ko nang ituro ko ang entrance ng ospital.
"Ah, opo. Ako nga po iyon," sagot naman niya.
"Gusto ko lang po kayo maka-usap."
Aba, teka. "Tungkol saan, hijo?"
Lumingon muna siya sa paligid. Ano'ng problema ng batang 'to?
"Pwede sa cafeteria na lang po tayo mag-usap? Confidential po kasi."
"Hijo, hindi ako pwede sa-"
Kaagad siyang umiling. "Hindi po tungkol sa illegal na bagay, mister Ochoa. Doon na lang po natin pag-usapan, baka po may makakita sa atin."
At doon ako lalo natakot sa sinabi niya.
~
Oh 'di ba, sumama pa rin ako.
Pero, mas private na ang cafeteria na napuntahan namin. Sakto rin kasi walang gaanong customer ngayon kahit na hapon pa lang.
"Mister Ochoa, heto na po ang cappuccino niyo," sabi na lang ng bata sabay nilapag na sa table ang kape ko. Pati na rin ang doughnut.
"Naku, salamat naman," sabi ko na lang sa kanya saka siya umupo, "ano pala ang pangalan mo?"
Inabot niya agad ang kanan kamay niya sa akin. "My name is Livardo Hayvee Fortoulalleza po."
Ang weird talaga ng batang 'to. Kinamayan ko na lang siya dahil pormal siya nagpakilala sa akin.
"Ngayon, ano ang gusto mong pag-usapan natin dito?" tanong ko nang iabot ko ang kape na nasa harapan ko.
Uminom muna siya ng kape niya bago siya magsalita. "Ampon niyo po ba si Jasmine Ochoa?"
Muntikan na dumikit sa labi ko ang kape nang tanungin niya iyon. Binaba ko agad ang iniinom ko at tumingin sa kanya.
"Unang-una sa lahat, paano mo nakilala ang anak ko?"
Agad siya napanganga. "Ah... ano po kasi..."
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...