fourteen

56 1 0
                                    

Lino's POV


Huwaw, mga putok ng baril ang naririnig namin ngayon! Buti sa side mirror lang tumama ang bullet, malapit sa pwesto namin ni Clara.


"Sumakay na kayo!" sigaw ko. Tumingin ako kay Joren, nag-aayos pa rin siya.

"Itigil mo muna 'yan, Joren!" Agad naman siya umalis sa ilalim ng kotse. 

Naglabas na ko ng baril, Wilson Combat EDC X9 ang nadala ko. Ayoko talaga dalhin 'to, baka sirain lang ni Joren.


"Lino! Si Claire!" 


Napatingin ako kay Mika na nasa loob sila ngayon ng sasakyan.


"Aah! Lino!"


Shit, si Claire ba 'yon? Hindi ba siya nakapasok sa loob?


"Lino! Ano ba!" 


Hayun, kita ko na siya. Pinipilit siyang isakay sa loob ng kotse. Bakit ang bilis nila kunin si Claire?


"Gago talaga ang mga 'to." bulong ko sabay sinubukan kong tamaan yung lalaki na may hawak kay Clara. Nang natamaan na yung lalaki na 'yon, nakawala na siya agad tumakbo papunta sa'kin.


Napalingon ako sa van kung saan doon sila nakasakay, tatlong putok ng baril ang narinig ko. Ano'ng nangyayari? Ang layo ko pa sa kanila.


"Karlos! Umalis na kayo!"

"Sira! Pa'no kayo?!" pasigaw na tanong niya habang nakasilip siya sa'min.

"Bahala na, hahanapin na lang namin kayo!" 

After kong sabihin 'yon, lumingon ako kay Clara na tumatakbo papunta sa'kin. Bigla na lang siya huminto.

"Ba't tayo iniwan?"

Hinila ko na lang siya para tumakbo. Kailangan namin makalayo sa kanila.

"Feeling ko, ikaw ang sinusundan nila. Kaya mas mabuti pa na ilayo muna kita."

"Sinusundan ako? E, sinusundan din sila, oh." 

Lumingon ako dahil sa sagot niya at tinignan ang ng mga kasama namin. May sumusunod nga sa kanila, napahinto ako.

"Sure ka ba na, 'yon kotse na 'yan, diyan ka dapat isasakay?"

"Oo. Pero. . . hindi. . . ko sila kilala." Ba't nauutal 'to?


Napatingin ako sa mga kamay niya, nanginginig. Tinignan ko ang mukha niya, nanginginig din ang labi niya. Halatang-halata sa mga mata niya na natatakot siya.


Ilang putok ng baril pa ang narinig namin, napasigaw na si Clara kaya hinila ko na siya at tumakbo papalayo rito.


Anak ng teteng, ano ba ang kailangan ng mga 'yon sa amin?


"Sa'n tayo pupunta?" tanong niya.

"Hindi ko alam basta ilalayo kita rito." Habang sinasabi ko 'yon, naghahanap ako ng pwede naming mapagtaguan.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon