twenty eight

50 1 0
                                    

Venisse's POV


Ate, nandito na ang prinsesa niyo.


Tulala lang siya habang nakatingin sa puntod ng magulang niya. Dapat matagal ko na 'to sinabi sa kanya pero ako ang natatakot kapag nalaman niya kung ano ba talaga ang nangyari noon at p'wede mangyari.


"Sister," napatingin na lang siya sa akin habang umiiyak siya, "sila talaga ang... mga magulang ko?"

Tumango na lang ako habang hinahaplos ang buhok niya. "Pasensya na kung ngayon ko lang sila pinakilala sa'yo."

"Bakit po?"


Kaya mo 'yan, Venisse. Masasabi mo sa kanya ang lahat. 


"Natatakot lang ako na baka, matapos mo malaman ang lahat, may mangyari na masama sa'yo."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, mas lalo lumakas ang pag-iyak niya. Kaya, niyakap ko na lang siya. Niyakap ko na ang pamangkin ko.

"Marami kang dapat malaman, Clara. Bukod pa sa kanila."

Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakayakap sa'kin. "Ano po 'yon, sister?"


Napa-upo ako sa hagdanan kaya napa-upo na rin siya. Pero, tumingin na muna ako sa paligid. Kailangan masiguro ko na walang makikinig sa usapan namin.


"Bakit po sister?" tanong na lang niya.

Umiling lang ako habang nakangiti sa kanya. Kailangan hindi siya matakot sa mga sasabihin ko. 

"Unang-una sa lahat, ang pangalan mo talaga ay Jeremia. Jeremia Lorraine Santos-Abelcellda talaga ang totoo mong pangalan."

Nang sabihin ko 'yon, agad siya napatingin sa puntod ng magulang niya. Tinitignan niya siguro ang apelyido. 

"Pa'no niyo po nalaman?" tanong niya saka siya tumingin sa'kin.

"E, hayun ang binigay ni ate sa'yo noong pinagbubuntis ka niya." sagot ko habang nakangiti sa kanya.

Napanganga na lang siya. "Teka, teka. Ate? Kapatid mo ang mama ko?"

"Magkapatid kami ng mama mo." 

"Pero, bakit iba po ang surname niyo sa surname niya?"

"Inampon lang ako ng pamilya nila. 9 years old ako nang mapunta ako sa bahay nila. Namatay sa aksidente ang nanay ko, ako lang ang nakaligtas. Pinagbigyan nila ako na, hindi baguhin ang pangalan at apelyido ko."


Sandali muna siya natahimik. Maya-maya, bigla na lang niya ako niyakap. 


"All this time, akala ko wala akong kamag-anak na kasama sa loob ng monasteryo. May tita pala ako." Napayakap na rin ako dahil sa sinabi niya.

"Pero sister, este, tita." 

"Hmm?" tumingin ako sa kanya.

"Pa'no pala ako napunta sa inyo? Kina sister Magda?"

Huminga muna ako nang malamin at tumingin ulit sa paligid. Mukhang wala naman nakikinig sa amin ngayon. 

"May nangyaring hindi maganda noong nasa loob ako ng kumbento kasama sina sister Magda."

"Pa'nong hindi maganda, tita?"

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon