forty

33 1 0
                                    

Mika's POV


"Ano 'to?"

"Ibigay daw sa'yo, sabi ni Joyce sa amin kahapon." Kinuha ko kay Claire ang black envelope. Hindi naman kami close ni Joyce, why she gave me this?

"Binigyan din kami ni Joyce." Tumingin ako kay Jasmine, hawak niya ang black envelope.

"Birthday party," sabi na lang ni Claire, "pinapapunta tayo."

"Sabihin ba natin kay Lino about this?"

"Hindi ko alam, ate." sagot na lang ni Claire.

Huminga na lang nang malalim si Jasmine. Tinignan ko ang buong project area, dumadami na ang mga tao ngayon. 

Lunes na kasi ang start ng final examination week.

"Sa sabado ang party niya," sabi na lang ni Jo habang nakatingin siya sa envelope.

"Feeling ko, nakatanggap din sina Axi, Sha-Sha at March nito."

"Huh?" tumingin ako kay Claire, "kailan pa sila close ni March?"

"Hindi ko alam, ate." sagot na lang.

"Kailangan malaman na 'to ni Lino. May alam sila about Joyce," sabi ko na lang sa kanila. "Nasaan pala sila?"

"Uh, teka," sabi na lang ni Jasmine, "naririnig ko ang boses ni March, e."

"Ha? Where is she?" tanong ko naman habang lumilingon-lingon ako sa paligid ng project area.


Hayun pala siya, naglalakad papunta rito. Pero, kasama niya sina Lino, Karlos at Joren. Tumingin si March sa amin, she wearing her eyeglasses kaya naman agad niya kami nakita rito.


"Bakit magkakasama sila?" tanong ni Claire.

"Wala kayong klase?" tanong ni March nang makaupo na siya sa tabi ko.

"Walang prof, kayo?" sagot ko.

"Dinismissed na kami ni sir." si Joren ang sumagot habang lumilingon siya sa paligid. "Kuha lang ako ng upuan," sabi na lang niya saka umalis.

"Kayong tatlo. . ."

Tumingin ako kay Lino, alam kong kaming tatlong babae ang tinatawag niya ngayon.

"Nakatanggap din ba kayo ng sulat katulad kay March?" Tumango ako at tinuro ko ang black envelope na hawak ni Jasmine.

"Sabi na nga ba, e. Nakatanggap din 'to si Marso," sabi na lang ni Jasmine.

"Huwag kayo pupunta sa party," sabi na lang ni Karlos habang may hawak siya ng envelope, "kami ang pupunta sa party ni Joyce."

"Hala, hindi naman kayo invited, ah!" sigaw ni March.

"H'wag ka maingay, Marso. Baka nandito si Joyce ngayon," bulong ko habang tinakpan ko ang bibig niya.

"Sa exam na 'yon papasok," sabi na lang ni Joren bitbit ang apat na monoblock chair.

"Pa'no ka nakakasiguro?" tanong ko.

"Dumaan kasi siya sa room namin kahapon, nagpaalam siya sa prof namin na exam week na siya papasok. Hindi ko na inalam kung bakit."

"Malamang, naghahanda na 'yon para sa party niya." Tumingin ako kay Karlos. "Baka kung ano'ng gawing masama sa inyo."

"Sandali, ha?" sabi na lang ni Claire, "ang weird niyo na talaga, promise. Bakit ba ganyan kayo kay Joyce?"

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon