eleven

60 1 2
                                    

Venisse's POV

"Sister!"

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko siya. Salamat naman.

Nang binuksan ko ang pinto, nakangiti siya sa'kin. Nagmano at agad akong niyakap. 18 years old na siya pero heto, parang bata kung yumakap sa'kin.

"Kumusta ang misa?" tanong ko nang makawala siya sa pagkayakap ko.

"Nakaka-antok po." As always, hindi na bago sa akin ang sagot niya.

Nang maisara ko na ang pinto, inabot niya sa'kin ang isang plastik na may bibingka. Paborito namin ni Clara ang bibingka lalo na kapag tinadtad na ng keso. 

Sandali.

"Tinignan mo ba kung nilagyan iyan ng keso?" tanong ko.

Tumango siya. "Mas maraming cheese na 'yan compare kahapon."

Agad naman ako ngumiti sa kanya. "Sige. Sige, matulog ka na. 'Yang mata mo, malapit na pumikit."

"Sige po sister." Humikab na ang bata at naglakad. Nang makita ko siya maglakad ngayon, ganyan na ganyan ang lakad ni ate noong bata pa lang kami.


Nilagay ko sa plato ang bibingka nang tumunog ang phone ko. Isang text ang natanggap ko.


At hindi ko mapigilan ngumiti nang mabasa ko ang mensahe niya. Matutuwa silang lahat nito.


"Sa wakas, mahahanap ko na si ate."



Lino's POV


"Sandali lang, ha? Gigisingin ko lang si Clara."


Tumango na lang ako kay sister Venisse. Pinapunta ako sa living area nila at umupo ako sa sofa.


Pambihira naman kasi 'tong si Jo. Ang lakas magyaya ng kainan. Hindi raw nila kayang ubusin kaya pinapapunta kami. E, pinautos ako ni Jo na sunduin ko si Claire. Akala ko maliligaw ako, buti na lang sa simabahan ang landmark niya. At, nasa tabi lang ng simbahan ang monasteryo.


"Kumusta, pogi?"


Isang madre ang nasa pinto ngayon habang may bitbit siya na tray, na ang laman ay cookies at mango juice. Nakangiti siya ngayon sa akin.


"Ay, hello po, sister." Ngumiti sa akin si sister at nilapag sa table ang bitbit niya.

"Sister Lene ang pangalan ko, hijo. Ikaw ba si Lino?"

"Ah, e, opo." Ang ganda naman niya para maging madre.

"Heto, kumain ka muna. Nagsimbang-gabi pa kasi si Clara kaya umaga na nauwi."

"Ah, opo. Kasama naman po niya ang mga kaklase ko, na kasama rin namin mamaya," sabi ko. Ngayon lang ata ako magkakagusto sa madre, ah.

"Sige, iwan muna kita. Baka naliligo na si Clara ngayon."

"Sige po. Salamat po sa pagkain."

Nakangiti siya nang lumabas na ng living room. Buti hindi niya sinara ang pinto, baka kung ano ang gawin nila sa akin dito kapag kinulong nila ako.


Makanood nga muna.


~~

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon