twenty three

46 1 0
                                    

Zeb's POV


Heto na ang report nila. Na-send naman nila sa email ko kahapon ng gabi. Hindi ko muna sila pinapunta rito sa bahay. Gusto ko mag-focus muna sila sa studies nila lalo na't final period na nila ngayon. 

Sa ngayon, pini-print ko 'yon mga report nila pati na rin and mga pictures na sinend nila. Galing naman kumuha ng picture ni Airol, sana all.


"Boss."


Napalingon ako sa pinto, si Lino pala 'to. "Bakit?"

Alam ko naman na mabubuksan niya ang unit ko dahil binigyan ko siya ng duplicate na susi. 

"Pasok ako."

"E, di pumasok ka. Bakit ka ba nandito?" tanong ko sabay pumasok naman siya ng kwarto at umupo sa upuan na nasa tabi ng kama ko.

"Ayoko lang sa bahay."

"Ayaw mo lang sa bahay o dahil nag-away na naman ang mga magulang mo?" tanong ko. At, mukhang gano'n na nga ang sagot. "Final period niyo na. Dapat nag-re-review ka."

"Ayoko mag-review do'n. Baka isagot ko sa exam ay mga away nila," sabi na lang niya sabay natawa, "nakakasawa."

Kawawa naman 'to. "Sige, dito ka na lang muna."

"Nandito naman ako, boss," sabi na lang niya habang tinuro niya ang kanyang sarili.

"I mean, dito ka muna matulog kung ayaw mo do'n." 

Nanlaki bigla ang mga mata niya. "Di nga?"

"Oo naman. Isama mo pa sina Karlos."

"Overnight?"

Napatingin ako sa printer, tapos na pala i-print ang mga pictures. "Pwede rin. Pero, okay lang din sa'kin na, dito ka muna hanggang sa mamiss mo na ang bahay niyo."

"Huh?"

Tumingin ako sa kanya. "Dito ka muna tumira habang wala ako."

Napalaki na naman ang mata niya. 

"Talaga?! Pucha! Ayoko talaga do'n sa bahay! Yes! Thank you boss!" sigaw niya sabay napatayo at umikot-ikot na parang tanga. 

Ramdam ko naman ang kasiyahan niya na lumayas. Tapos, bigla na lang siya tumigil. 

"Ah. Boss?"

"Hmm?"

"Sabi mo, dito ka muna tumira habang wala ako," sabi niya sabay tumingin sa'kin, "aalis ka?"

"Oo." sagot ko tapos kinuha ko ang mga papel na kaka-print lang.

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa malayo." I scanned the papers, mukhang nakita ko na siya.

"Malayo?"


Hindi ko siya sinagot. Pero binigay ko sa kanya 'to: 'Yon papel. Kita naman sa mukha niya wala siyang ka-alam sa hawak ko. Pero, dapat alam na niya 'to.


"Ano 'to?" tanong na lang niya tapos kinuha naman niya 'yon papel.

"Siya si Joyce na pinapahanap ko sa inyo." 

Nang sabihin ko 'yon, nanlaki na naman ang mata niya. At, nakanganga na siya ngayon sa'kin ngayon.

"Heto?" tanong niya sabay tinuro niya ang papel. Tumango na lang ako. "Di nga?"

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon