(pt. 1)
Hala. Late na ba ako?
"Marso!"
Lumingon naman ako sa kanya, hayun naglalakad papunta sa'kin.
"Hala, hindi ka pumasok?"
Umiling lang si Jasmeng a.k.a. Jo sa'kin. "Wala raw prof. Ikaw? Late ka na ba?"
"Ata. 20 mins na, e. Baka hindi na rin ako papasukin no'n. Wala naman quiz kaya, absent muna ako." saka ako tumawa. Ang saya lang umabsent.
"Ah. Kain muna tayo, hindi pa ko nag-lu-lunch, e."
"Sige. Pero, pumasok ba ngayon si Clara? Hindi na siya nag-chat at nag-text sa'kin," sabi ko sabay chineck ko ang phone ko. Wala pa siyang reply!
"Hindi ko alam, e. Baka papunta na 'yon. Sabihin mo, punta siya ng canteen." utos na lang niya sa'kin.
So hayun na nga! Ang pangalan ko po ay March Monarie Dosal. Pwede niyo naman akong tawagin "Marso" kung gusto niyong masanay sa pagbikas ng wikang Tagalog, okay? Electrical Engineering ang kinuha kong course ngayon, pero, mukhang susuko na ko! Hahaha! Nakaka-iyak, e.
And, isa akong writer sa isang online website. Balita ko kasi rito sa campus, 'yon mga writer do'n sa website na 'yon, nag-aaral dito. May naging kaklase nga ako last sem, writer din siya. Kaso, 'di naman kami close kaya, dedma. Ayoko lang i-reveal ang sarili ko kasi, ayoko. Hihi.
~~~
"Hindi ka na naman pumasok," sabi na lang ni Clara sabay sumubo ng kanin. Ayos, si ate Mika na lang ang wala rito!
"Wala naman gagawin, e. Papasa naman ako do'n kahit na hindi ako pumasok." sagot ko saka ako nag-scoop ng ice cream at sinubo. Bakit ba kasi ang init ngayon?
"Pasalamat ka talaga, absent yung prof namin ni Claire ngayon, kundi wala ka na naman kasama," sabi ni Jo sa'kin habang nakatingin siya sa phone niya.
Nakita ko na lang si ate Mika na naglalakad papunta rito. Kumaway ako sa kanya at tinuro ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Claire.
"Hayan na pala ang ate!" sigaw ni Jo nang nilagay niya sa bag ang phone.
Kumunot agad ang noo niya, "excuse me, mas matanda ka kaysa sa'kin," aniya sabay umupo na siya sa tabi ni Claire.
"Bili mo naman ako ng ice cream."
"Libre mo kami?" tanong ni Jo sabay nakalahad na ang kamay niya.
"Sige, basta ice cream. Pati si March, bilhan mo na rin." saka siya nag-abot ng pera. Napansin ko ang pink niyang wallet, may mga card at 2x2 na picture niya.
Yes! Libre ako ni ate Mika!
"Aba, magaling ka talaga Marso 'no?!" sigaw na lang sa'kin ni Jo kaya sinapak ko, pero mahina lang naman.
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...