Zeb's POV
Dumating na ang second semester nila, malapit na ang mga birthday nila at birthday ng girlfriend ko, hindi pa rin namin sila nakikita.
Pero, may nakuha naman akong info tungkol sa kanila. Nasa iba't-ibang school nag-aaral ang mga babae na 'to. 18-21 years old ang mga edad, mga college student, of course. At ang masaya pa, malalapit lang ang mga bahay nila. Malapit ko na rin ma-confirm ang mga babae na 'to so, hayahay na kami.
Napalingon ako sa pinto dahil may nag-doorbell. Sino na naman ba 'to?
"Paihi." Hayan na lang ang nasabi ni Airol nang binuksan ko ang pinto. Diretso siyang naglakad papuntang banyo. Akala ko siya lang ang pumunta rito, kasama pa pala sila. Pumasok na lang sila na parang sa kanila talaga 'tong bahay. Kakapal talaga ng mukha.
Nasa living area sila ngayon, nanonood ng t.v. except lang kay Karlos na nasa kusina ngayon. Binuksan yung ref at naghanap ng pagkain.
"Ano'ng problema niyo?" tanong ko na lang.
"Boring sa bahay," sabi na lang ni Joren pero nakatingin pa rin sa t.v.
"At saka, walang pagkain sa ref ni Lino kaya naman dito na lang kami kakain." sagot pa ni Karlos sabay sumubo ng mammon. Teka, hayan ang binili ko kahapon, ah.
"Mga hinayupak talaga ang mga 'to." Hayan na lang ang nasabi ko. Natawa na lang si Renzo, siya ata ang nakarinig.
"O'nga pala," si Lino, "pupunta kami sa debut ni Axiela next week yata? Hoy Joren," sabi niya sabay namhampas ng unan kay Joren.
"Aray! Ano?!" napahinilot siya sa ulo niya.
"Sabado ba 'yon debut ni Axiela or linggo?"
"Linggo."
"Hayun," sabay lumingon sa'kin, "sa linggo pala ang debut niya."
"Oh? Tapos?"
"Pinapaalam ko lang sa'yo na hindi kami available sa araw na 'yon. Baka kasi, bigla ka na lang tumawag, e."
"Kaya nga!" singit na lang ni Timmy.
"Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ni Joren.
"Grabe talaga no'ng araw mismo ng pasko, last year, ang saya ng noche buena namin tapos bigla na lang tatawag 'to." saka niya ko tinuro.
"Huwag na kayo mag-alala, ako na bahala sa tatlong babaeng na 'yon. Hindi ko na kayo i-istorbohin sa debut ng kaklase niyo."
"Speaking, may balita ka na ba sa mga 'yon?"
After itanong ni Karlos 'yon, kinuha ko ang envelope na nasa side table. Hinagis ko lang sa dining table, dahilan para lumingon sila do'n. Agad naman sila lumapit sa mesa, si Lino ang kumuha ng envelope at kinuha ang laman. Mga naka-develop na picture ni Crystalline, Jeremia at Cleonara.
"So, sila pala ang hinahanap natin?" tanong ni Airol habang hawak niya ang isang picture.
"Chix pala ang mga 'to," sabi na lang ni Joseph.
"Sa'n nag-aaral ang mga 'to?" tanong ni Renzo.
May tinuro ako na picture, isang babae na nakatayo sa tabi ng statue ng UST. Morena siya na may salamin ang suot. Mahaba ang buhok niya at casual lang ang suot niya sa picture. "Si Cleonara, sa UST, biology ang course."
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...