twenty four

59 1 0
                                    

Venisse's POV


"Sister!"


Agad na ko tumayo at binuksan ang pinto. Si Clara agad ang bumungad sa'kin at niyakap ako.


"Kumusta naman ang lakad niyo?" tanong ko sa kanya nang makawala na siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Ang saya po, sister," sabi niya sabay ngumiti siya. Nakakawala talaga ng pagod ang ngiti ng batang 'to.


"Good evening po, sister Venisse."


Napatingin ako sa likod ni Clara dahil sa boses na 'yon. 


"Sister. Sina kuya Livardo po pala at saka si kuya Tonni. Sila ang dahilan kaya umalis kami kanina, pumunta kami sa bahay nila kanina."


Buhay sila. Buhay talaga sila!


"Sorry po kung ginabi na kami ng uwi. Naabutan kami ng traffic tapos hinatid pa namin 'yon mga classmate niya. Hinuli namin siya kasi siya ang medyo malayo," sabi ni Livardo.

"Okay lang 'yan, kuya. Naiintindihan naman ni sister, e," sabi na lang ni Clara sa kanya, "una muna po ako, sister. May ipapasa pa ko na file kay Sha-Sha, nakalimutan ko ibigay kanina."

"Ako na ang maghahatid sa kanila hanggang gate. Magpahinga ka na," sabi ko na lang sa kanya kaya agad naman siya tumakbo papasok.


"Hindi pa rin pinaayos ng pari ang garden dito?"


Napalingon ako sa tanong ni Tonni. Hindi pa rin siya nagbabago mula noong bata pa sila.


"Ayos na 'yan kuya. Hayan, oh," sabi na lang ni Livardo habang nakaturo siya sa garden. May pinagbago ba sa garden? Parang, wala naman bukod sa pinalitan ng bamboo chair at table.

Bigla na lang sila tumingin sa'kin. "Sister Ven," sabi na lang ni Livardo sabay nagmano sa'kin, gano'n din si Tonni.

"Kumusta kayo?" tanong ko agad sa kanila.

"Ikaw ang kumusta, sister. Buti hindi ka na hinabol ng mga 'yon noon," sabi na lang ni Tonni saka siya umupo sa bamboo chair. "Kapagod talaga ngayon araw."

Lumapit din kami ni Livardo sa puwesto niya at umupo. 

"Nagawa pa namin tumakas noon. Wala naman akong naiwang bakas." sagot ko sa kanya.


Noong unang taon ko bilang madre, nakilala ko na ang pamilyang Fortoulalleza dahil isa sila sa mga mayayaman sa bayan namin noon. Nagkataon pa na mahilig tumambay ang mga lalaki na 'to sa garden pati na rin sa kabilang simabahan na ina-attend ko noon. 

Nakakatuwa dahil ligtas sila. At mas pumogi pa. Kaya hindi na ko magtataka kung may mga asawa na 'to.


"Naku, sister Ven. Kung iniisip mo na may asawa ako, wala," sabi na lang bigla ni Tonni.

"Alam niyo kung bakit, sister?" Napatingin ako kay Livardo na nakangisi ngayon kay Tonni, "may hinihintay kasi siya."

"Hinihintay?"

Lumaki lalo ang ngiti ni Livardo. "Hinihintay niya mag-Marso, sister Ven."

"Marso?" tanong ko sa kanya sabay napatingin ako kay Tonni na, agad niya binatukan si Livardo.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon