pt. 2
"Marso, gising na."
Agad naman nadilat ang mga mata ko. Nasaan ulit ako?
"Nandito na tayo sa bahay nila." Tumingin ako kay Clara. Teka, hindi pa nag-fu-function ang utak ko, sandali!
"Bahay nino?" tanong ko na lang sa kanya habang kinakamot ko ang mata ko. Tulo-laway na naman ba ako kanina? Jusme, nakakahiya kay Clara.
"Bahay namin."
Napatingin ako sa pinto ng kotse, si kuya Tonni pala 'to.
"Bumaba na kayo diyan, kayo na lang ang wala rito," pagkasabi niya, lumingon ako sa likod ng kotse.
Hala, kami na lang ni Clara ang nandito ngayon.
"Sorry, Clara," sabi ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan. Ayoko tuloy tignan si kuya Tonni.
Napatingin na lang ako sa kanilang lahat na nag-aantay sa'kin na magising.
"Sorry na nga kasi!" Niyakap ko si Jasmeng. Kasi siya ang may pinakamasungit na mukha rito, e. Sumunod naman si Sha-Sha.
"Sorry mo 'yang mukha mo, Marso," sabi na lang ni Jasmeng sa'kin. Akala ko galit siya, hindi naman pala. Hinug niya ako eh, hehe.
"Bakit ba kasi antok ka? Puyat ka na naman?"
Lumapit ako sa tenga ni Jasmeng, baka marinig nila. "Nag-update kasi ako."
"Huh? Ano'ng oras?" bulong niya.
"3 a.m. na ko nakapag-update," sagot ko na pabulong pa rin. Ewan ko ba kung bakit late na ko nakapag-update. Hindi naman ako ganito noon.
"Ano, gising na si March?" Lumingon naman kami kay kuya Livardo. Samantalang siya, nakatingin sa'kin.
"Gising na ba ang nerves mo, Marso?"
"Sorry na nga kasi!" Pinat niya ang ulo ko habang nakangiti sa akin. Mukha ba akong aso?
"Okay lang. Buti ka pa nga nakatulog. Samantalang si kuya, wala pang tulog. Kaya naman, pwede na kayo pumasok sa munting naming bahay. Pagpasensyahan niyo na kung ang simple, ah."
Hayan ang sabi ni kuya Livardo sabay pinapasok kami sa gate nila. Yep, gate pa lang 'to pero feeling ko, nasa loob na kami ng territory nila.
Pagpasok pa lang namin, malaking fountain ang bumungad sa'min. Wala pa kami sa main door nila, ah. Ramdam na ramdam ko pa lang sa labas ng bahay nila na mayaman sila.
Nang makarating na kami sa main door na ang laki. At ang 'taas naman nito.
"Ang laki naman nito." Hayan, nagsalita tuloy ako.
Tumawa muna si kuya Livardo bago magsalita. "Ginusto 'yan ni Mama, e. 'Wag niyo na alisin 'yon mga sapatos niyo, ah."
Napatingin ako sa mga kasama ko. Bakit niya nasabi 'yon?
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...