Lino's POV
"Kailangan natin ng mga usher next week," sabi ng VP (Vice President) namin. May event kasi na magaganap sa department namin. E, sumali ako sa organization ng department namin kaya pwede ako maging usher.
"Alcantra at Reinarez, kayo ang mag-guide sa mga speakers at i-tour na rin sila sa buong campus, okay?" utos na lang ni VP.
Hala. Reinarez?
"Uy, Claire! Late ka na naman," sabi ni Renzo.
Hayun siya, pinuntahan si Renzo na nasa likod ko ngayon. "Oo na, Si sir G kasi, e. Kaloka."
Wow. Si Clara Reinarez ang kasama ko?
"Claire, si Lino ang kasama mo mag-guide sa mga speakers, ha?" sabi ni VP.
Natigil siya sa pag-upo at tumingin kay VP.
"Huh? Sino'ng Lino?" Pambihira, hindi niya ko kilala?
"'Hayan siya, Claire. Katabi ni Renzo." saka tinuro ni VP ang pwesto namin.
Napanganga naman si Claire. "Ahh. Sige!"
-EVENT-
"Good morning mister Alvarez." Si Clara na ang nag-greet sa mga speakers namin ngayon araw na 'to. Inabangan namin sila sa gate, sa may parking lot.
Pagkatapos namin tinour ang mga speakers, pinapunta na namin sila sa seminar room. Gugustuhin ko man tumambay sa loob dahil aircon kaso, dito lang kami sa labas ni Clara.
"Hi Clara," sabi ko habang naka-upo siya sa bench, umiinom ng tubig.
"Pwede ba, Claire ang itawag mo sa'kin. Nakakabwisit na kaya kapag may tumatawag sa'kin na Clara,"aniya saka ako umupo sa tabi niya.
"Bakit kasi Clara ang binigay sa'yo?"
"Tanong mo kay sister."
"Sister? Kapatid mo?"
Umiling siya. "Hindi. Si sister Venisse, madre. Sa monasteryo ako lumaki."
"Huh?"
Huminga muna siya nang malalim. "Lumaki po ako sa monasteryo. Puro mga madre ang nag-alaga sa'kin. Hindi ko kamag-anak si sister Venisse. Kahit isa sa mga madre do'n, wala."
"Ibig sabihin, ampon ka lang?" tanong niya saka ako nag-nod.
Teka. Baka siya na yung hinahanap namin? Pero, sino siya sa tatlo?
"Hmm. May alam ba ang mga madre kung sino ang mga magulang mo?" tanong ko.
"Wala, e. Kaya naman, nag-promise sa'kin si sister Venisse na hahanapin niya 'yong mga magulang ko. And I think, malapit na mangyari 'yon."
"Huh? Pa'no mo nasabi?"
"Wala lang. Kutob ko lang." sagot niya sabay tumawa siya nang malakas. Maya-maya, tumigil siya at seryosong tumingin sa'kin.
"Ano'ng feeling ng may magulang?"
"Ah. Hmm... parang may guard or protector or teacher or ATM machine ka." saka ako tumawa. Potek.
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
AksiSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...