twenty six

47 1 0
                                    

Venisse's POV


"Sister Venisse!" sigaw ng dalawang babae sa'kin at tumakbo papunta rito para niyakap ako.

"Teka, isa-isa lang." 

Hayan na lang ang nasabi ko habang natatawa sa kanila. Nang bumitaw na sila sa pagkakayakap sa'kin, tinignan ko na sila nang maayos. 

"Gumaganda kayo, ah."

"Naku po, sister. Huwag na huwag niyo iparaning kay Mama 'yan." bulong na lang ni Narshaine saka ngumti sa'kin.

Nakita ko na lang na tumango si Clinette. "Opo, huwag niyo po ipaparinig kay Mama 'yan. Baka kung anu-ano na naman ang iisipin no'n."

"Venisse!" 

Lumingon ako sa isang pinto. Boses iyon ni Misis Ailly. Agad siya lumapit sa'kin at niyakap ako.


Namiss ko silang lahat.


"Mabuti naman nakapunta ka. Tamang-tama lang kasi nandito na ang asawa ko." aniya matapos niyang kumalawa sa pagyakap.

"Po? May iba na kayong asawa?"

"Ha?! Si Mama?! May ibang lalaki?!" Napatingin kay Narshaine dahil sa lakas ng boses niya, nakatingin ngayon sa mama niya.

"Hindi mo na mahal si Papa?" tanong pa ni Clinette.

"Naman! Venisse!" sigaw niya. Napapikit siya sabay huminga muna siya nang malalim at lumingon sa'kin. 

"Bingi ka na naman ba?"

Umiling ako. "Hindi ko naintindihan ang sinabi mo."

Napatingin siya sa mga anak niya. "Mahal na mahal ko ang Papa niyo, okay? Alam kong tatlong beses kami naghiwalay ng bahay pero, magkasama naman kami ngayon, oh!"

"Ah. Akala ko makikipaghiwalay ka na naman sa kanya, e," sabi na lang ni Clinette.

"Kapag talaga malaman ni Cleo 'yan, maiirita 'yon sa inyo," sabi na lang ni Narshaine sabay ngumiti. 

"Malapit na natin siya makasama, Ma."

Agad napangiti si miss Ailly. "Oo nga, e. After how many years, makikita na natin siya," tumingin sa'kin, "malapit mo na rin sila makita 'di ba?"

Ngumiti na lang ako sa kanya. "Nakita ko naman sila. Hindi ko pa pinupuntahan. Gusto ko sana magpasa sa mga anak ni Antonnio para makita rin nila mismo."


Paano ko ba nakilala ang mga Castacillio? Dahil sa asawa ng ate ko. Sila na ang pinakamayaman noon pa no'ng makilala ko sila. Nagkataon na mayaman ang asawa ni ate, palagi sila pumupunta sa mga event kung saan naroroon lagi ang mga Castacillio. 

Akala ko negosyo ang dahilan kaya magkakilala sila, magkumpare pala ang mga 'to. Natuwa ang mag-asawa na 'to nang malaman nilang papasok ako bilang madre. At sa kanila ko rin nalaman kung ano'ng ang mga nangyari noon lalung-lalo na sa ate ko.


"Nabalitaan mo na ba, Venisse?" tanong ni miss Ailly sabay humigop ng tsaa. Kasama namin ngayon si Narshaine sa living room. Pumasok na ng school si Clinette, e.

"Kumikilos na si Gabriella pati na rin ang anak niya." sagot ko habang humigop din ako ng tsaa.

Nakita ko na umiling si Narshaine. "Desperada na pati anak niya na makita ang mga babae na 'yon."

"Teka," napatingin ako kay miss Ailly na, nakatingin ngayon kay Narshaine, "ano'ng nangyari pala sa tao mo?"

Huminga nang malalim si Narshaine. "Hayun, delikado na ang mga bata niya."

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon