thirteen

63 2 0
                                    


Mika's POV


So, nandito na nga kami sa debut party ni Axiela. Classy ang theme ng party niya and ang daming mga mayayaman dito. Baka nga may nakakakilala sa'kin dito ngayon. Gaano ba sila kayaman?


"Ate Mika."


Lumingon naman ako sa liit ng boses niya at yumakap sa kanya. "Claire, kayo na lang ni Alcantra ang wala rito."

"Tagal niya, e." sagot niya sabay lumingon kay Alcantra na nasa likod niya ngayon, "kasalanan mo 'to kaya tayo na-late."

"Sensya! Traffic, e." Depensa niya agad.

"Hindi pa kayo late. Hindi pa naman lumalabas si Lavender." Hayan ang nasabi ko. Maria Axiela Lavender ang pangalan niya. Ang kulit.


Wait, Maria Axiela Lavender pa rin ba siya?


"E, nasaan naman si Jo?" tanong ni Claire na, sakto naman dumating ang mga boys, including Jasmine. Hindi talaga ako sanay na tawagin siyang "Jo." Kasi hindi bagay sa kanya.

"Hi Claire, here's your pineapple juice," sabi na lang ni Jo sabay inabot niya ang inumin sa kanya.

Tinignan muna siya ni Claire from head to toe, ngumisi siya at kinuha ang inumin. "Ganda mo, ah. Thank you."

"Teka, wala akong juice?" tanong na lang ni Alcantra nang maka-upo na sila.

"Kuha ka na lang do'n. Pagod na 'ko maglakad." sagot ni Jasmine sa tinuro niya ang drinking area. Saka kami napatawa sa hitsura niya.

"By the way, nandito ba si Sha-Sha at saka si Shan? Ininvite 'yon ni Axiela, ah." Lumingon siya sa buong venue. Unting-unti na dumadami ang mga tao rito.

"Nando'n sa powder room si Sha-Sha. Nag-re-retouch. Nasa labas lang si Shan, may kausap." Ako na ang sumagot.

"Oh? E, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong na lang ni Jasmine sa'kin, "dapat nag-re-retouch ka rin kasi ikaw nauna dumating dito."

"Huwag na. Wala naman magulo or madumi sa mukha ko ngayon." sagot ko. Wala naman 'di ba?


"Meron."


Hay nako. Sumingit na naman ang pangit na 'to. I'm talking about Karlos na nasa tabi ngayon ni Alcantra.


"At sa'n banda naman, ha?"

Tumingin siya sa'kin. "Sa mata mo."


Ano raw?


"Huh?" napatingin ako kay Claire sabay tinignan niya ko, "wala naman, ah. Maayos naman ang mga mata ni ate."

Huminga muna siya nang malalim. "What I mean is, alisin mo ang salamin mo. Maganda 'yang dress mo ngayon kaso panira 'yang pang-lola na eyeglasses mo ngayon."


Ano? Kumulo dugo ko sandali!


"Ano?! Lola eyeglasses?! Gusto mo bang ipakain ko sa'yo 'tong bag ko? Ha?!" Hahampasin ko na sana sa kanya ang pouch bag ko pero pinigilan lang ako ni Jasmine at Claire.

"Kalma lang, wala tayo sa school ngayon para mag-away," sabi na lang ni Claire.

"Nasa party tayo ni Axiela ngayon. Saka na kayo mag-away after nito," sabi na lang ni Jasmine.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon