Lino's POV
"Livardo."
Isang matandang babae ang tumawag sa kanya. Naka-gown siya na kulay pula, invited din ba 'to?
"We have to go."
"Ma, nakita ni March kung nasaan si Crystalline." Ah, Livardo pala ang pangalan nito.
"Alam din namin kung nasaan siya. Pero, kailangan natin pumasok sa loob."
"Tama si tita, kailangan nga natin pumasok."
Isang babae naman ang nagsalita. Nasa likod siya ngayon ni March.
Tumingin si March sa kanya. "Alam niyo rin kung nasaan si ate Mika?"
"Yes, March. Kaya, kailangan namin pumasok sa loob. E-eksena lang kami. Parating na si sister Venisse and Clinette para sunduin ka."
"Nasaan ang parents mo?" tanong ng mama ni Livardo.
"Nasa loob na. Hinihintay na kayo."
Bigla na lang siya tumingin sa'kin.
"Who are you?"
"Ah, ano, Narshaine, sila ang mga-"
"Kaklase namin sila, ate Narshaine. Sila ang mga naghahanap sa tatlo," singit ni March kay boss Zeb.
Ngumiti siya sa amin. "You guys better stay here with March. Zeb, samahan mo kami."
Sino ba 'to para utusan kami?
"Hintayin niyo na lang kami rito," sabi na lang ni boss Zeb at umalis kasama sila. Bale, kami ng mga kasama ko at si March ang naiwan dito sa parking lot.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" tanong ni Karlos sa kanya.
"E, akala ko pumunta si Axi at Sha-Sha kaya sumunod ako. Kaso..."
"Kaso, ano?" tanong ko.
"Na-nakita ko sila na kinulong sa isang room. May tinuro sila na kwarto, nandoon sina Jasmeng at ate Mika. Hindi ko alam kung sino ang isa pa nilang kasama."
"Malamang, si Claire ang kasama nila," napatingin ako kay Timmy, "siya si Jeremia, 'di ba?"
Tsk, oo nga pala.
"Nakapiring si Jasmeng. Tapos, si ate Mika, may takip sa bibig. Nakatali silang tatlo pero magkakadikit sila. Parang, nakatali sila sa ere." paliwanag na lang niya.
"Saan mo ba sila nakita?" tanong ko.
"Malapit sa c.r. nila."
Napatingin ako sa event room, may mga pumapasok at lumalabas na bisita. Papasukin kaya kami?
"Papasukin pa rin tayo, Lino."
Napatingin ako kay March. "Invited pa rin ako." Pinakita niya sa akin ang invitation card niya.
"Sasabihin ko na, classmate niyo si Joyce." dagdag pa niya.
"Ano, papasok ba tayo?" Napatingin ako kay Joren.
"Siyempre! Kailangan niyo sila puntahan!" sigaw ni March habang hinihila ang sleeve ng t-shirt ko.
"Pa'no 'yon mga matatanda na-"
"Hay naku, Joseph, hayaan mo na lang ang mga 'yon," putol agad ni Airol sa kanya, "makikita rin naman nila tayo sa loob."
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...