Renzo's POV
Matapos namin i-kwento kay boss ang mga nangyari sa debut ni Axiela...
"Himala 'to," bulong ni Joseph.
"Bakit?"
"Dapat magugulat siya sa mga kinuwento natin. Pero ngayon, napaka-kalmado niya."
Napatingin tuloy ako kay boss ngayon. Why so sudden change? Tama ba English ko?
"Ilan sila?" tanong ni boss Zeb.
"Lima? Ata?" si Joren ang sumagot.
"Okay ka lang, boss?" tanong ni Lino, "kanina ka pa tahimik diyan, ah."
"Teka boss, buntis 'yon jowa mo, 'no? Tapos nalaman mong hindi ikaw ang ama ng bata?"
Lumingon ako kay Karlos. "Gago ka talaga e, 'no?"
"Bakit? Malay natin hayun talaga ang probelma niya kaya siya tahimik."
"Yon tatlong babae na pinapahanap ko sa inyo."
Napatingin kami sa kanya, kay boss Zeb s'yempre.
"Ano'ng meron sa kanila?" tanong ni Lino.
"May naghahabol din sa kanila na limang lalaki. Hindi ko lang alam kung kailan nangyari 'yon."
"Oh? Ano'ng meron?" tanong na lang ni Joren.
Napatingin si boss Zeb kay Joren. "Mas lalo akong mahihirapan na hanapin sila dahil nagtatago na ang mga 'yon."
Tumango naman siya.
"Teka, kailan ba ulit 'yon party na pinuntahan niyo?"
"Hindi ko maalala ang date. Basta, debut party ni Axiela 'yon." Si Joseph ang sumagot.
"Debut party? E, nasa kanyang-kanya debut party din ang tatlo nang hinabol sila ng limang lalaki."
"Huh? Magkakasama ba ang mga 'yun?" tanong ko.
"Hindi. Kanyang-kanya debut party 'di ba? Meaning nasa iba't-ibang lugar sila pero ang pinuntahan nila is debut party. Hindi sila magkakasama, gano'n," ani Airol.
Ah, okay.
"Ang weird lang kasi tungkol sa nangyari sa inyo," sabi na lang ni boss Zeb, "sino ba ang hinahabol ng mga 'yon?"
"Baka ako," sabi ni Lino.
"Gago, hindi ka gwapo para habulin ng mga 'yon. Kami nga 'tong hinabol nang tumakas kayo ni Claire," sabi na lang ni Karlos.
"Huh? E, hinabol nga kami. Kaya nga napatalon kami bigla sa ilog," sabi ni Lino. Kaya pala basang-basa silang dalawa.
"Mga tanga," si Airol. Makatanga naman 'to, siya nga 'yon mas tanga.
"Sino ang kinuha do'n sa party?"
"'Yon mga kasama natin na babae except kay Axiela." sagot ni Karlos.
"Oh. E, 'di 'yon mga babae ang gusto nilang kunin. Kaya ka hinabol Lino kasi kasama mo si Claire, hindi dahil gwapo ka. Napakapangit mo," sabi niya kaya kami natawa.
Matanong nga 'to.
"By the way, kumusta na kayo ng crush mo?" tanong ko kay Lino. Hihi.
Huminga na lang siya nang malalim. "Hayun, may boyfriend na. Kung hindi ko pa stinalk yung IG niya, malamang hindi ko malalaman na may boyfriend na 'siya. Kainis."
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...