ten

71 1 0
                                    

Mika's POV


"May gustong makipag-partner sa kumpanya natin."


Napatigil kami ni Lilac at  Mom sa pagsubo ng kanin. Oo, kasama namin si Satanas kumain ngayon. Nasa ligtas na lugar po ngayon ang kambal at Mitch. I mean, nasa school sila, gano'n.


"At sino na naman 'yon?" tanong ni Lilac. Tinuloy ko ang kumain.

"Ang mga Castacillo. I checked their company profile and masasabi ko na maganda ang pagtakbo ng business nila in 20 years. Pero, I don't want to be partner with them... for now." 

"Bakit naman?" tanong ni Mom.

"Hindi ko sila kilala so, bakit ko sila pagkakatiwalaan? Ni hindi nila naging kaklase ang mga anak ko, even kay Mitch." Uminom siya ng kape. Nagkatitigan na lang kami ni Lilac, as if we care.


Napatingin ako sa bulsa ko dahil may tumatawag. Hindi pa pala 'to naka-silent.

"Ah. Mom, excuse lang po," sabi ko then agad ako tumayo at lumayo sa table tapos sinagot ko na 'yong tawag. 

"Hello, Phillipe?"

[Papasok ka na?]

"Oo. Bakit?"

[Naka-display na kasi rito 'yong mga DL.]

"Oh? Ba't ang bilis naman nila mag-post ng results? Hmm, kung sa bagay tapos na rin naman ang prelims para Christmas Vacation na agad."

[Oo pero, hindi mo naman siguro nakakalimutan 'yong kasunduan niyo ni Karlos 'no?]


Oh my God, I almost forgot.


"Oo. Oo. 'Di ko nakakalimutan 'yon." Liar, Mikailla.

[Owkey. Sige. Nandito na si Sir. See you.] then he ended the call.


Kasunduan namin? Kung sino man sa'min manguna sa Dean's Lister this prelim, either bibili siya or ako ng libro. 

Kapag ako nanguna, bibili niya ko ng mga libro ni Dan Brown. As in lahat-lahat! Pero, kapag siya naman nanguna, bibilhan ko siya ng "The Selection" series ni Kiera Cass. 

I don't know kung ano'ng pumasok sa utak niya. Pero syempre, ayokong bilhan siya ng libro although, kaya naman niya bumili. Pero s'yempre, nakakababa ng mukha 'yon. Bwiset siya.


~~


Sinadya ko talagang pumunta sa school nang maaga para lang matignan yung board habang wala pa siya rito.


Waa! Hayan na! Sinimulan ko sa ibaba. Pataas... pataas... pataas... pataas. Aay!


- DELOS CRUZ, MIKAILLA ANN LOPEZ, 1.30; TOP 3


Yes! Top 3! Pero... teka lang!


- DELA CRUZ, KARLOS JERRY ARBIS, 1.29; TOP 2


Totoo ba 'to?! Joke lang 'to 'di ba?!


"Tsk. Tsk. Tsk. Top 2! Pa'no ba 'yan, bibili mo na ko ng "The Selection" series."

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon