thirty three

46 1 0
                                    

Jo's POV


[Hello, Jo?]

"Oh, ate Nine, bakit?" tanong ko habang nagsisintas ng sapatos dito sa c.r. Nauna na si Claire kasi may klase pa siya. Kakatapos lang ng P.E. namin. Nakasalpak sa tenga ang earphones ko.

[Aalis muna kami ni Papa, ha? Kasama si Janicha.]

"Ano'ng oras kayo uuwi?" tanong ko. Hayan, natali ko na.

[Baka gabihin kami. May susi ka naman, 'di ba?]

Napatingin ako sa bag na nakasabit ngayon sa harapan ko. "Ah, oo. Nasa akin." Chineck ko agad, baka wala sa bag ko.

Good! Dahil nandito pa!

[Alright, sige. Ingat ka, Jas.]

Hindi na ko nakapagsalita dahil sa last na sinabi niya. 

Kailan ba ko tinawag ni ate nine ng Jas? Jo naman ang tinatawag nila sa akin.

At saka, ngayon ko lang na-realized, ang lungkot ng boses ni ate ngayon. Ano'ng meron?


~


9 na ng gabi ako naka-uwi ng bahay. Nakipagkita pa ako kay Mika dahil sa Ethics. Nakakapagod talaga ngayon araw. 

Wala nga pala sila rito, meaning ba wala silang pagkain na iniwan para sa akin?

Meron pala. Mabuti na lang marunong ako tumingin sa mesa.

Umakyat na lang ako papunta sa kwarto. Ano'ng oras sila makakauwi?

Nang ilapag ko na ang bag ko sa kama, napansin ko ang brown envelope. Kinuha ko naman at...


Para sa akin daw. Sulat 'to ni ate Janine.


Hindi ko alam kung ano'ng meron kaya sinilip ko na ang laman ng envelope. Nakita ko agad ang logo ng ospital kung saan doon nagwo-work si Papa.


DNA Test Result ang nakalagay. Sino ba ang nagpa-DNA?


Wala akong alam about sa ospital kasi hindi naman ako interesado. Napaupo na lang ako sa kama at binasa kung ano'ng meron.


Fortoulalleza? At saka sa akin?


Hindi ko na naiintindihan ang mga nakalagay dito. Nadaan ng mata ko ang 'conclusion'


"Based on our analysis, it is practically proven that Mrs. Talliva Crin Fortoulalleza is the biological mother of the child Jasmine Ochoa."


Teka.


"Ha!?" 


Binasa ko pa ulit ang conclusion. Teka, kailan pa ako nagbigay ng sample kay Papa?


Ay teka, may naalala ako...


---FIVE DAYS AGO---


"Ate, pahiram suklay!" sigaw ko habang nag-aayos ng gamit ko. Puta, male-late ako!

"Kay ate Nine ka manhiram!"

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon